in

Gatas sa halip na saline salution, sanhi ng pagkamatay ng isang sanggol na Pilipino

Gatas sa halip na saline solution. Isang sanggol ang namatay dahil sa isang pagkakamali sa San Giovanni Hospital ng Roma.

Roma – Hulyo 23, 2012 – Gatas sa halip na saline solution (soluzione fisiologica o salina). Ayon sa mga report, ito ang napakalaking pagkakalmaling naganap sa San Giovanni Hospital na ang naging kapalit ay ang buhay ng isang batang sanggol na Pilipino naganap nitong katapusan ng buwan ng Hunyo.

Ang sanggol ay ipinanganak ng premature ng 30 linggo, sa Grassi Hospital ng Ostia, ngunit dahil sa kakulangan ng pwesto sa Intensive Care Unit ng Neonatology sa nasabing ospital ay inilipat ang sanggol sa San Giovanni Hospital.

Ayon sa mga naunang report, sa halip na saline solution ay gatas ang ginamit sa dextrose ng sanggol na naging sanhi ng pagkamaty ng ilang araw na sanggol.

Hindi ang ina, ni ang mga duktor kundi ang Direzione generale ang nagharap ng report sa Procura di Roma matapos ang pagkamatay ng sanggol. Mula sa neonatology ward ay kinuha ang ‘cartella clinica’ at sinimulang hingin ang opinyon ng mga duktor at nurses na nagta-trabaho dito.

Kasalukyang iniimbistigahan ang mga  pangyayari at ang Tagausig ay nagbukasng isang pagsisiyasat upang suriin ang mga naging pagkakamali.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

“Tanggalin ang krimen ng pagiging iligal na imigrante” – PD

Pres. Aquino’s State of the Nation Address 2012 (full text)