in

Gatas sa ugat ni Marcus, kumpirmado

Roma, Setyembre 10, 2102 – Kasabay ng patuloy na pagtanggi (hanggang sa kasalukuya) ng mga nurses at duktor sa nabalitang pagkakapalit sa mga feeding tubes na naging sanhi ng pagkamatay ng premature na sanggol na si Marcus De Vega noong nakaraang June 29, ay inilabas ng Procura di Roma ang isang dokumento na maaaring magpalala sa isinampang kaso sa 26 na akusado, ilang araw pa lamang ang nakakalipas.

Ito ay ang resulta ng histological examination na kinukumpirma ang naging sanhi ng pagkamatay ng sanggol: gatas ang dumaloy sa ugat nito sa halip na hydrolipidic solution. Partikular, nasasaad sa dokumento ang natagpuang bakas sa pulmon ng respiratory crisis sanhi ng naging balakid sa pulmonary blood vessels nito. Gayun din ang naging pagdaloy ng fat o taba sa dugo ng sanggol na naging sanhi ng brain hemorrhage.

Samantala, sa mga susunod na araw naman sina Ugo Di Tondo at Saverio Potenza, (forensic) ay tatawagin ang mga ekspertong itinalaga ang ina ng sanggol at ng mga akusado upang isumite kay prosecutor Leonardo Frisani ang mga resulta ng autopsy.
 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Shaboo – 17 arestado sa Roma

Pagbabayad ng 1,000 euros, sinimulan na