in

GAWAD LAYAG Awards, ipinagkaloob sa 5 natatanging Pilipino sa Milan

altMILAN, Italy.  Limang natatanging Pilipino ang pinagkalooban ng  DMCI Homes ng GAWAD LAYAG Awards noong nakaraang Linggo, Oktubre a-23, 2011 sa Hotel Cavalieri.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon  na nagbigay parangal ang isang pribadong kumpanya  sa mga Pilipinong naglaan ng oras, panahon, pagmamalasakit at pagmamahal sa sarili, pamilya at higit sa lahat sa kapwa Pilipino sa  komunidad.

Kabilang sa mga pinarangalan sina:  Marilou de la Fuente , head nurse ng Ospedale San Rafaelle at tumatayong  adviser ng The Philippine Nurses Association of Milan (TPNAM).  Si Malu sa kanyang mga kaibigan,  ay laging handa’ng tumulong sa mga may karamdaman lalung lalo na ang mga wala pang dokumento.

Kasama ni Malu sa kanyang misyon ang Presidente ng TPNAM na si  Maria Teresa Benavente. Isang bukas-palad din ang laan ni Tess sa mga OFW’ng nangangailangan ng tulong.  Silang dalawa ay bahagi ng grupo ng mga nurses na regular na naglalaan ng walang-kapalit na tulong upang itaguyod ang mga medical/dental mission ng Konsulado ng Pilipinas.

Si  Marina Bautista, isang aktibong naglilingkod sa Filipino Community of San Lorenzo ay isa pa sa mga awardee.  “Mommy Marina”  kung tawagin sya ng mas nakakaraming nakababata sa kanya. Dahil sa pagigiging mabait at pagiging matulungin nito, siya ay isang huwarang ina para sa mga kabataan sa Milan.

Napabilang din sa mga pinarangalan si Artemio Cabatan.  Si Bro. Arnie sya sa nakararami’ng kakilala. Aktibong  opisyal  ng Filipino Parish Council-Carmine, siya rin  ang kasalukuyang tumatayong lider ng Filipino Catholic Community of Milan (FCCM), ang grupong naglulunsad ng taunang Flores de Mayo sa sentro ng Milano. Ang katangiang nakita sa kanya upang makatanggap ng award ay ang bukas  pusong pagtulong sa kapwa at ang magalang na pakikipagsalamuha nito.

Ang ikalimang awardee ay si Isagani Casunuran na matagal nang naglilingkod sa kanyang mga kababayan at sa Filipino Community of San Donato bilang Presidente ng samahan. Isa si Casunuran sa mga Pilipinong naglalayong magkaroon ng matatag na pagkakaisa at pagtitipon ang mga Pinoy dito sa Italya.

altSampung  Pilipino’ng  manggagawa ang napiling nominado ngunit lima lamang sa mga ito ang nabigyan ng award.  Ang mga natatanging tumanggap ng award ay dumaan sa masusing pagsusuri ng mga  hurado’ng  napili ng  DMCI Homes na para sa kanila  ay equally-competent at credible din na mabigyan ng parangal.

Kabilang sa mga naging hurado sina Domingo Borja, 2009 Bagong Bayani Awardee,  Caesar Carnecer,  Marketing Officer ng BDO-Milan at kilala ng marami dito.  Briggs Brijuega,  Presidente ng Bicolnon Association,  Randy Perdon,  dating President eng Bicol Saro at bahagi ng  Filipino Community of San Lorenzo Parish,  Belen Galema ng Kabayan News,  Aileen Galicia ng Trisair travel & tourism, Gerry Cortez ng Filipino News at  ang inyong lingkod, Zita Baron.

Napabilang din sa mga nominado sina Eusebio Casenas, Jr, Jose  Vergara Robles, Estelo Pupa, Abraham Visca at  Lydia Malig.

Dumalo sa awards night ang youngest daughter ng DMCI owner na si Dinky Consunji-Laperal , International Sales Director Maurice Librea at Northern Europe Manager  Mritess Malco at ang napakaraming Pilipinong nagpugay sa mga pinarangalan.   (Zita Baron)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

CORO CANTABILE CHOIR, DUMALAW SA ITALYA

Zanonato (Anci): “Ang sinumang ipinanganak sa Italya ay isang Italyano”