in

“Gente di Pasqua”, inilunsad sa Roma

Ilunsad sa Roma ni Cardinal Tagle ang kanyang libro sa wikang italyano: "Ang Simbahan sa Asia ay hinahanap ang bawat bukas na bintana upang pagdaluyan ng kapayapaan."
 
Hulyo 3, 2013 – Ayon sa Kardinal, may bagong paraan ng evangelization sa mga kabukiran sa China. Isang uri ng evangelization mula sa ibaba, na hindi kilala ang awtoridad o mga limitasyong diplomatiko. "Aking natuklasan na ang mga Chinese na nagta-trabaho sa bukid ay ikinu-kwento ang mga parables ni Kristo sa mga kasamahan sa paraang simple ngunit mapanganib”. “Ang ikalat ang salita ng Diyos na maaaring kapalit ng sariling buhay”. Ito ang magandang balita na hatid ng Kardinal sa Roma noong nakaraang June 14 sa kanyang unang public appearance sa Italya matapos italaga bilang kardinal. Isang balitang tinanggap na naging sanhi rin ng kanyang pagluha. “Ako ay madaling umiyak – kanyang pag-amin sa wikang italyano sa Collegio Universitario don Nicola Mazza – na hindi ko kayang ipaliwanag kung isa bang kahinaan o isang kalakasan; isang pagluha buhat sa isang taong hindi maunawaan ngunit tinanggap ang isang panawagan kung saan hindi maaaring sumagot ng hindi”.

Ipinanganak noong 1957 sa Maynila, ang kanyang ina ay isang Chinese at mapapatunayan ito sa kanyang middle name na ‘Gokim’. Si Tagle ay isa sa mga naging paborito ng madla at naging isa sa mga ‘papabile’ sa huling Conclave. Ang pakikinig sa kanyang mga salita ay tila pagbulusok ng malamig na tubig, isang uri ng kanyang paglalarawan sa aklat na Gente di Pasqua (Easter People), ang unang aklat ng kardinal na inilathala ng Emi (Editrice Missionaria Italiana) na nag-organisa ng isang pagtitipon. “Hindi ako karapat-dapat sa paglulunsad ng librong ito – ang pagsusulat ng isang libro ay hindi para sa mga simpleng taong tinawag upang maglingkod bilang simpleng pari sa isang simpleng parokya”.  

“Sa Synod ay madalas kong narinig ang pagiging pagod ng Simbahan – napapagod sa patuloy na pagkaunti ng mga bokasyon, ngunit marahil ay ito mismo ang panawagan sa Simbahan sa kasalukuyan: isang panawagang mapagkumbaba at makatotohanan, dahil tunay na may paniniwala sa Diyos at hindi sa kapangyarihan ng salapi”. Sa Asya, ito ang karaniwang mga pangyayari. “Simula taong 2000, ang Simbahan ay naging minority sa Asya. Ito ay isang maliit na kawan ngunit sa gitna ng isang maliit na parokya tulad ng Cambodia, na mayroong 20 mananampalataya, ay hindi maaaring ituring na patay ang Simabahan dahil mayroong 20 mananampalataya”.
 
 At sa Asya, partikular sa Pilipinas mismo ay matatagpuan ang pinakamalalaking hamon ng Simbahan: ang dialogo sa iba’t ibang kultura, kung saan naroroon ang pinaka-sinaunang paniniawala at maraming mahihirap. Sila ang pinaka magandang “ehemplo ng pag-asa”, ganito inilarawan ng kardinal ang katotohanan ng Kristiyanismo "ngiti, pasensya, tiyaga na matatagpuan sa pagitan ng mga paghihirap ng mga tao."
 
Ito ang mga salita ng isang taong walang pangamba sa hamon ng sangkatauhan. “Ang pananalig sa Diyos na muling nabuhay ay ang magbibigay lakas sa sangkatauhan, ngunit kailangang pakinggan ang mga salita ng Diyos. Hindi sa pamamagitan ng mga dalubhasa ngunit sa pamamagitan ng mga mahihirap, ng mga mahihina at nangangailangan”.

Ang Krisis? “Hindi lamang ito isang problema bagkus ay isang sitwasyon na nangangailangan ng desisyon, pagkakataong humihingi ng bagong oportunidad. Marahil ang kapaguran ng Simbahan ay dahil na rin sa paghahanap ng ugat ng mga problema ngunit di napapansin ang pangangailangan sa atensyon ng mga bagong oportunidad, sa pamamagitan ng mga bagong uri ng misyon”. “Ang Simbahan ay Asya – pagtatapos ng kardinal –  ay hinahanap ang bawat bukas na bintana upang pagdaluyan ng kapayapaan at ito ay ang misyon ng Simabahan”.
 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Strike for a cause!

Visa rules ng Japan, niluwagan mula Hulyo 1