Summer vacation na muli kaya sari saring gimik ang pinagkakaabalahan ng mga Pinoy dito sa Firenze.
Si Mher Del Valle dating nurse sa Saudi Arabia ngayo’y naninirahan na dito sa Italia at may tatlong anak ay natutung mag organisa ng pa tour o mag lakbay.
“Pangarap ko talagang makarating sa maraming magagandang lugar dito sa Europa dahil kapag ako’y umuwi na sa Pilipinas di ko na ito magagawa, kaya pinag aralan ko ang mga dapat gawin o ayusin para makapaglakbay. Sa ngayon kaming pamilya ay marami ng narating at nakatulong pa kami sa mga mahilig din maglakbay wika ni Mher”.
Noong Agosto 5 – 8, 2010 sila ay nag tour sa magandang siyudad ng Amsterdam, Zurich at Lucern kasama ang 50 mga pinoy dito sa Firenze at Bologna at nasaksihan ang pamosong “International Gay Pride Festival Parade” na ginanap sa magandang canal o ilog ng Amsterdam. Picnic at grill party naman ang hilig ng pamilya Pacunayen, Nario, Cortiguera at Tecson.
“Masarap lumabas ng bahay at mag punta sa mga park kapag ganitong tag init, sariwa ang hangin at nag eenjoy ang mga bata sa pag lalaro, masarap din kumain kapag bagong luto ang mga inihaw at malamig ang inumin ayon kina Myrna at Josie”. Bowling ang hilig ng pamilya Ben, Perez, Genil at Castillo.
“Kapag ganitong summer mas mahaba ang aming panahon upang makapag laro ng bowling dahil ang aming mga amo ay nasa mare kaya nag eenjoy lahat, natuturuan pa namin ang ang aming mga anak sa pag laro nito ayon kay Danny”. Dancing ang pinagkakaabalahan ng grupo nila Rai Wade Del Valle mga kabataan ng Firenze.
“Marami kaming nagagawang sayaw kapag bakasyon todo praktis kaming mga barkada kaya happy lahat wika ni Rai”. Fishing at picnic sa ngayon ang bagong paboritong libangan ng mga pinoy dito sa Toscana, dahil sa dami ng Lago natural at artificial man sariwang isda ang iyong maihahanda sa inyong picnic.
“Dati parang tamad akong mamingwit ngunit noong mapag-aralan ko ang teknik at nakakahuli na ako ng marami at malalaki pa nagustuhan ko na ito kaya lagi ko ng hinihintay ang summer vacation pagtatapos ni Manuel”. (Argie Gabay)