Roma – “Ilaw ng tahanan”, ito ang karaniwang tawag sa kanila!Bukod sa kanilang mahalagang papel sa araw-araw na pamumuhay, ay muli silang pinarangalan sa kabilang angolo ng kanilang katangian, ang natatanging kagandahan at talento!
Ito ay sa pamamagitan ng nagbalik na patimpalak matapos ang matagumpay na unang edisyon nito noong nakaraang taon, ang Ginang Pilipinas-Italia 2014.
Nitong November 23, sa Teatro Vigano sa Roma, sa direksyon ni Benjamin Vasquez Barcellano Jr, minsan pa’y natunghayan ang mga minanamahal na Ilaw ng Tahanan hindi sa kanilang karaniwang ginagampanan sa buhay bilang asawa, anak o manggagawa ngunit bilang mga Beauty Queens hindi lamang ng ating mga tahanan bagkus ng ating mga buhay!!!
Hinirang na Ginang Pilipinas-Italia 2014 si Rebecca Ramos. First runner-up naman si Rosemarie Racadio; Second runner-up si Felicita De la Rosa; Third runner-up si Emilie Bejo; Fourth runner-up si Crescel De la Cruz at Fifth runner-up si Analyn Medrano.
Bukod sa natatangi ang naging patimpalak ay natatangi rin ang layunin ng pagtulong ng mga organizers sa mga nangangailangan sa ating sariling bansa, sa pangunguna ng Alona Cochon Entertainment Group at ng mga kandidata. Napiling beneficiary ang Yellow Boat of Hope Foundation sa pangangalaga ni Anton Lim. Layunin ng foundation ang magbigay ng mga bangka sa mga kabataang lumalangoy patungong paaralan sa Layag-Layag Zamboanga City. Hindi hadlang sa mga batang ito ang basang uniporme sa pagpasok sa eskwela at bitbit ang plastic bag kung saan nakalagay ang mga libro.
Makabuluhan ang gabing ito hindi lamang dahil sa kumikinang na kagandahan ng mga Ilaw ng Tahanan bagkus kumikinang rin sa busilak ng layuning makatulong sa kapwa.
Kasama sina Gloria Manongsong, Maria Goretti Atinaja, Gaudinez Garbin, Larrizel Bercilla, Delia Velasco, Teresita Tabelino, Felicitas Venturina, Lilibeth Marasigan, Marilyn Bona, Elma Garing, Jeneet Wate, Flordeliza dela Cruz, Emma Alvarez at Nely Meer na nagpakitang gilas sa isang natatanging gabi ng kanilang mga buhay, ang mga Ginangs!!
photo credits: Stefano Romano