Itinampok ng Ginang Pilipinas Italia 2015 ang mga kasuotang tinaguriang Eco-Friendly o Environment Friendly Costume na Filipiniana inspired. Tinanghal si Gng. Marivic Lebatique Dela Cruz bilang Ginang Pilipinas – Italia 2015 Grand Winner.
Roma, Enero 8, 2016 – Idinaos ang Gabi ng Koronasyon ng ikatlong taon ng Ginang Pilipinas Italia 2015 nitong Disyembre sa Roma. Ito ay ginanap sa Teatro Vigano. Sa taong ito ay may 14 na mga Ginang ang sumali na nagkakaedad mula 28 hanggang 58 at sila ay nagpakita ng kanilang mga gilas sa pagrampa, talento at talino sa entablado ng teatro.
Itinampok sa taong ito ang mga kasuotang tinaguriang Eco-Friendly o Environment Friendly Costume na Filipiniana inspired. Ito ay naglalayong gamitin ang mga bagay o materyales na patapon na (recycle, reuse) na mas mura, makakatipid at ilabas ang angking galing na pagkamalikhain ng mga designers sa paggawa ng mga damit na obra. Dito sa kategoryang ito nagbigay ng award na “Best in Eco-Friendly Filippiniana Inspired Costume” para sa may suot na kandidata at “Best in Creation” para sa gumawa ng obrang kasuotan. Ito ay napanalunan ni Nerio “NERI” Pamittan na sya namang suot ni Rosalie Laura Bravo na taga Marche, Italia.
Ang 14 na mga kandidatang Ginang ay nagpakitang gilas sa unang bahagi na may 4 na kategorya (Eco- Friendly Costume Filipiniana Inspired, Sports Wear, Evening Gown at Talent Portion). Mayroong 5 miyembro ng hurado na silang nagbigay ng puntos sa bawat isa sa bawat kategorya. At sa pag-compute ng lahat ng mga puntos ay kumuha ng sampung kandidata na may pinakamataas na puntos para pumasok o umusad sa ikalawang bahagi.
Sa ikalawang bahagi, ang Q & A ay bumunot ang 10 Semi Finalists ng tanong na kanilang sinagot at sila ay binigyan ng puntos ng mga hurado batay sa kanilang kasagutan.
Mula sa 14 kandidata, ay pumasok sa 10 Semi Finalists sina 1.Lerma Eleponga Delunas, 2. Karen Bayaborda Causapin, 3. Evelyn Labagnoy Angeles, 4. Joy Bosquillos Amistad, 5. Joy Winclaire Mariano, 6. Marivic Lebatique Dela Cruz, 7. Robely Cuario Fajardo, 8. Trisha Marie Ceralde Lorenzana, 9. Elsa Sagario Velarde 10. Rosalie Laura Bravo. Dito ay ipinakita ng bawat isa ang kanilang angking talino sa pagsagot sa mga katanungan. At sila naman ay binigyang puntos ng mga hurado sa kanilang bawat kasagutan.
Mula sa 10 Finalista ay kumuha ng TOP 5 na may pinakamataas na puntos. At dito sa puntong ito ang kandidatang Gng. Popularity ay umusad para maging bahagi sa hanay ng TOP 5 para maging TOP 6.
Ang ikatlong o huling bahagi ng patimpalak, ang “Q & A mula sa mga Hurado”, dito ay binigyan ng puntos ang bawat isa sa kanilang kasagutan na syang magluklok sa kanilang pwesto sa TOP 6 ng Ginang Pilipinas Italia 2015.
Ang mga TOP 6:
Gng. Joy Winclair Mariano – Gng. Pilipinas – Italia 5th Runner Up – Roma
Gng. Rosalie Laura Bravo – Gng. Pilipinas – Italia 4th Runner Up – Metro Manila
Gng. Joy Bosquillos Amistad – Gng. Pilipinas – Italia 3rd Runner Up – Mindanao
Gng. Trisha Marie Ceralde Lorenzana – Gng. Pilipinas – Italia 2nd Runner Up – Visayas
Gng. Elsa Sagario Velarde – Gng. Pilipinas – Italia 1st Runner UP – Luzon
Gng. Marivic Lebatique Dela Cruz – Gng. Pilipinas – Italia 2015 Grand Winner
Sa ikatlong taon na ito ng Ginang Pilipinas – Italia, 37 ang awards ang ipinamigay (major awards, special major & minor awards at sponsors awards) at ang pangunahing premyo ay ang round trip ticket Rome Manila Rome. Itinampok at nagpakitang gilas din ang mga indibidwal at grupo ng mga kabataang artista sa Roma na nagmula sa Kayumanggi Dance Company, Tahjack Tikaz, Elijah Lee Jacinto, Abigael Timmangen, Janina Inojosa, Aaliyah Christaine Suayan, Franz Elizabetta Jacinto, Pincess Nicoe Larido, Beverlie Manibo, Vocals Ladies, Christian Inojosa, Paul Darel Estabillo, Sammy Cabral, VOCALS ni Robert Jacinto, Grupo ng Ginang Pilipinas Italia at iba pa.
Samantala, sa taong ito 2 ang benipisyaryo ng evento ng Ginang Pilipinas – Italia 2015
ALCADEV ( Alternative Learning Center for Agriculture and Livelihood Development) nagsimula noong July 19, 2004 para tulungan sa pag-aaral ang mga indigenous youth o mga kabataang katutubo na kilala sa tawag na LUMADS sa Mindanao.
Progetto Charity ng MovieMov para sa SMOKEY MOUNTAIN / TONDO CHILDREN & YOUTH COMMUNITY na pinamamahalan ng isang paring italiano ng Congregasyong Canossiano sa Tondo, Manila. Ipinalabas ang short film na “A Tutto Tondo” ni Andrea Bosca para sa kapakanan ng mga batang namumuhay sa bundok ng basura sa Smokey Mountain. Layunin ng short film ang makalikom ng pondo para sa komunidad ng mga kabaatang ito sa Tondo. (Ang short film ay ipinalabas din sa Moviemov Italian Film Festival in Manila & then sa Rome International Film Festival at umikot sa iba pang festival at nanalong Best Supporting Actor at Best Short Film sa Corti Cultural Classic ng Napoli Cultural Classic noong nakaraang May 2015. Binigyan din ito ng award na Corti D’Argento ng SNGCI (Sindacato Nazionale Giornalisti Cinematografici Italiani) nitong nakaraang April 2015.
“Kung ikaw ang mananalo bilang Ginang Pilipinas Italia 2015, ano ang una mong gagawin para sa kapwa mo ginangs at sa mga ofw n rin?”, ang tanong kay Gng. Marivic Lebatique Dela Cruz na syang nanalo ng Titolong Ginang Pilipinas Italia 2015. “Well, If i will be given the chance to win as Ginang Pilipinas Italia 2015, Of course, First, I should be thankful to God because as we all know God is above all and if I win, well I can be an Ambassadress of Goodwill and that I would be very glad to encourage my kababayans, like me to engage in such activities like sports, singing, dancing and most especially in the religious activities in each and every community.. Because i strongly and firmly believe that by this little way of mine, i can promote camaraderie and sportsmanship to each and everyone. Thank you.” Umani ng papuri ang Eco-Friendly Costumes na syang nagbigay ng halaga sa waste / recycled materials bilang pagtulong sa kapaligiran at kalikasan.
Apat sa obrang damit na ito ay itinampok at ipinakilala sa katatapos na Viaggio del Oriente na ginanap sa Fiera di Roma noong 18-20 ng Disyembre. Nagustuhan rin ito ng mga Italian organizers / audience at ng Eco-Tourism Minister ng Italia ang moda Eco-Friendly Filippiniana inspired.
nina: Benjamin Vasquez Barcellano Jr.
Joyce Esteban (Ginang Pilipinas Italia)
ACEG