in

GRADUATION NG LSE Batch 3 (LSE3)

 

NAPOLI, MALAKING KASAYAHAN AT KAGALAKAN NG MGA GRADUATES

Masayang event ang naganap sa Napoli noong nakalipas na 28 ng Nobyembre para sa 22 na nagtapos sa pangatlong Leadership and Social Entrepreneurship (LSE) Training Program for Filipinos in Italy. Ang naturing LSE  ay isang programa na nasasailalim ng limang institusyon: ang Associazione Pilipinas OFSPES, ang NGO na siyang namumuno sa pagpapatakbo ng programa sa Italya, ang Embahada ng Pilipinas sa Italya, ang Philippine Overseas Labor Office o POLO, ang Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA) at ang Ateneo School of Government sa Pilipinas.  Ang pinakalayunin nitong programa ay makapagbago at makapagbukas ng kaisipan  ng mga OFW sa Italya at makabahagi ng mga skills tungkol sa edukasyon pampinansyal (financial education o financial literacy), pagiging mas mahusay na liderato (leadership) at pag-uumpisa ng negosyo, lalo na ang negosyong o proyektong may panlipunang adhikain o social entrepreneurship.

Ang LSE sa Napoli ay nagsimula ng ika-24 ng Enero ng 2010 hanggang Septiyembre at bawat buwan ay may dalawang sesyon na ginaganap kapag Linggo. Ang buong programa ay may 12 sesyon nauukol sa iba’t ibang mga pakay ng financial literacy, leadership at social entrepreneurship. Ang mga trainer at resource person ay karamihan mga faculty ng Ateneo de ManilaUniversity, lalo na sa School of Government at Development Studies.

Nag-umpisa ang 28 ng Nobyembre sa pagsali ng mga graduate at mga bisitang galing sa Roma sa isang banal na misa na ginanap sa Katedral ng Napoli ng 11 ng umaga at si Cardinal Cresenzio Sepe mismo ang nag-celebrate ng misa. Binati ng Cardinal sa kanyang huling salita ang mga graduates ng nasabing LSE. Nakausap ni Ms. Nancy Garcia Pantoja, isa sa mga panelist ng business plan presentations at adviser ng grupo sa Napoli, si Cardinal Sepe pagkatapos ng misa.

Pagkatapos ng misa at tanghalian, ang grupo ng mga graduate ay nagbigay ng kani-kanilang presentasyon ng kanilang mga social enterprise business plans. May anim na grupo at may isang indibidwal ang nagpahayag ng kanilang mga business plan. Ang mga business plan na ito ay mga sumusunod:
–    NEAT Souvenirs and Photoshop
–    Honey Vee Cuisine (HVC)
–    Naples Association for Loans and Savings (NALS)
–    Pinoy Travel and Tours (PT&T)    
–    Samahang Gumagabay sa Italya para sa Panlipunang Paglilingkod (SAGIPP)
–    Savings and Loans in Napoli (SALINA)
–    EBV Apartelle

Sumunod sa mga presentasyon ang pinakaaantay na graduation ceremony. Ang mga opisyales ng collaborating organizations na sina: Maris Gavino, presidente ng Associazione PILIPINAS -OFSPES, si Labor Attache Chona Mantilla ng POLO, si Welfare Office Ruth Roselynn Vibar ng OWWA, si Tina Liamzon – ang coordinator ng LSE program, si Monsignor Pasquale Silvestri, ang Direttore del U’fficio Migrantes sa Napoli ang mga  nagbigay ng mga pahiwatig sa mga bagong graduate. Ang keynote speaker ay si Dr. Antonio La Vina, dekano ng Ateneo School of Government. Si Edgar Valenzuela ng OFSPES-Philippines ang panghuling nagsalita at pinasalamatan din niya si Fr. Agerico Cosmod, ang chaplain sa Napoli para sa kanyang supporta at si Monsignor Jerry Bitoon na kasama sa pagplano sa panimula ng programma.  Pagkatapos ng pormal na ceremony ay nagpalabas ng maikling programa ang mga graduate at ibang miyembro ng Comunita’ Filippina di Napoli e Campania.

Kasamang dumalo sa event ang may 40 na katao na galing sa Roma na binibilangan ng ilang mga graduate ng dalawang nakaraang LSE sa Roma (LSE1, LSE2) at ang pang-apat na grupo o batch (LSE4) na nagsimula noong ika-12 ng Septiyembre at kasalukuyan tumatakbo hanggang Marso ng 2011. Lubos ang kagalakan ng mga LSE Napoli graduates na makasama sa dumaraming mga alumni ni LSE na ngayon ay nagbibilang na sa higit na isang daan. Inaasahan na ang mga graduate ng LSE ang siyang patuloy na magsisikap na makatulong sa pag-papaunlad ng mga comunita ng mga Pilipino dito sa Italya.  Mayroong din LSE 5 na sinimulan sa Milano noong ika-19 ng Septiyembre at matatapos din ito sa graduation nila sa ika 3 ng Abril 2011.

(Tina Liamzon, OFSPES)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bagong Bayani Awardee Brought Glory and Pride Again to Milan-based Pinoys

Clandestines, hindi paparusahan sa kanilang pananatili kung may makatwirang dahilan