in

Grupong “Good Samaritan”, nagbigay ayuda sa mga OFW sa Milan

Hindi lamang pagpapa-aral sa mga estudiyante na hindi kayang tustusan ng kanilang mga magulang ang mga tuition fees dahil sa kahirapan sa buhay at pagtulong sa mga home for the aged sa Pilipinas ang layunin ng grupong “Good Samaritan” dito sa Italya partikular sa Milan.

Naging sentro ng ang Milan at North of Italy ng paglaganap ng Corona Virus Disease 19 o mas tinatawag natin CoViD-19 noong buwan ng Pebrero hanggang sa kasalukuyan.

Inalam ng grupong “Good Samaritan” sa pamumuno ni Edwardo Abrasaldo sa pamamagitan ng pag monitor sa social media hinggil sa mga hinaing ng mga Overseas Filipino Workers dito sa Milan na kung saan, halos malaking porsiyento sa kanila ay nawalan ng trabaho mula noong nag lockdown ang Milan at North of Italy hanggang sa kalaunan ay naging total lockdown na ang buong bansa.

Agad nagpulong ang grupo sa pamamagitan ng videochat sa social media na kung saan napagkasunduan nila na mag-ambag ang bawat miyembro ng kahit magkanong halaga para ipambili ng bigas upang ipamahagi sa mga displaced OFW.

Ayon kay Abrasaldo, nakabili ang grupo ng mga higit 10 kaban na bigas at ito ay hinati-hati sa tig sampung kilo bawat pamilya na kanilang ibibigay.

“Mayoon ng dalawampung pamilyang nabigyan namin ng bigas although may mga trabaho din sila kaya lang ang iba sa kanila “no-work, no-pay” at dahil sa lockdown ay wala silang pagkukunan ng kanilang pantawid gutom”, ani Abrasaldo.

Sa susunod na linggo ay ang pangalawang batch ang mabibiyayaan muli ng tig sampung kilong bigas sa iba pang mga kababayan dito. 

“Kalma lang, huwag masyadong mag-panic, stay at home, lilipas din ito, let us all have faith in God”. Panawagan at pagtatapos ng puno ng nasabing grupo.

Isa lamang ang grupong Good Samaritan ang nagmagandang loob at buong pusong tumulong sa mga OFW sa Milan at maging ang ilan grupo din sa Filipino community dito sa Milan ay gumagawa ng mga paraan upang matulungan ang atin mga kababayan sa hinaharap natin crisis.

Patuloy ding umaasa ng mga OFW sa ayuda mula sa Philippine Consulate General Milan habang patuloy nilang sinusunod ang mga batas na pinaiiral ng Italian Government ukol sa Corona Virus 19 outbreak. (ni: Chet de Castro Valencia)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Lockdown sa Italya, extended hanggang April 13

4 na asosasyon, sumulat kay Conte “Misure urgenti per famiglie e lavoratori addetti”