in

Guardians Emigrant, nagpaabot ng tulong sa mga refugees mula sa Afghanistan

Dumating na sa Montecatini Terme kahapon ng umaga ang aabot sa isang daang mga refugees of war mula sa Afghanistan. Ito ay matapos buksan ng Presidente ng Toskana ang pinto ng rehiyon para sa mga biktimang ito ng gulo sa kanilang bansa matapos mapasailalim sa mga kamay ng mga taliban. Sa panawagan ng Presidente na tugunan ang mga pangangailangan ng mga refugees ay agad na tumugon ang GUARDIANS Emigrant Pistoia at GUARDIANS Emigrant Montecatini Terme.

Nakiisa ang mga nabanggit sa ilan pang mga organisasyon na nangakong magbibigay ng tulong pinansyal at magabot ng mga pangunahing pangangailangan ng mga “panauhin” ng syudad. Naglunsad ang GE ng “relief operations” sa pangunguna ni Pres. Mirasol “Fsrmg Black Angel” Cabaltera at Pres Jeff “Rmg Eihvy” Ella. Mabilis naman ang tugon ng mga nilapitang mga kababayan na agad na nakaramdam ng habag at bukal sa loob na nangako ng tulong.

Maliban sa mga pagkain at damit ay humiling din ang mga organizers ng mga laruan para sa mga bata.

Ang mga refugees ay sasailalim sa quarantine sa loob ng sampung araw bago pumailalim sa opisyal na asylum program ng pamahalaan. (Quintin Kentz Cavite Jr.)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

domestic job Ako Ay Pilipino

Colf at caregivers ‘no vax’, wala pang opisyal na bilang

Permesso di soggiorno Ako Ay Pilipino

For releasing na ba ang permit to stay? Narito ang maikling Gabay.