in

Guardians Emigrant, nasa ika-4 na taon na sa Montecatini Terme

Matagumpay na nairaos ng Guardians Emigrant 1st Cluster legion Montecatini Terme ang kanilang ika-apat na taong anibersaryo noong nakaraang Nobyembre 17, 2019 sa Pistoia, Italy. 

Isa ang Montecatini Terme na pinamumunuan ni Mirasol Cabaltera  sa mga grupong bumubuo sa Guardians Emigrant 1st Legion dito sa Italya.

Kasama ang grupong National Legion ni President Quintin Bossing Cavite, Vatican City ni President Ihboy Morales at Rome City ni President Dodong Maderazo na naging kinatawan ang kanyang Bise na si Alex Darang sa ginanap na anibersaryo.

Napakagandang mensahe ang ipinaabot ni Mirasol “Black Angel” Cabaltera, ang Presidente ng GE 1st Cluster Montecatini Terme sa kanyang pambungad at paanyayang pananalita. Binigyang diin nya ang kahalagahan ng grupo at ganun din ang nakaatang na responsibilidad ng isang babaeng namumuno sa hanay ng mga Guardians.

Pinasalamatan din nya ang mga nagpaunlak sa kanilang imbitasyon sa mga “kapatid sa balikat” at mga asosasyon na mula pa sa Roma, Firenze, Livorno, Pistoia, Prato, Pisa, Lucca, Montecatini at iba pang panig ng Italia.

Pinasalamatan ng buong GE Montecatini ang pakikiisa ng RBGPII – PIS, RBGPII GOLDEN HEART FIRENZE, PIP SFACC, DELEGATION FROM FILCOM LIVORNO, GE PISTOIA, GE ROME CITY, GE VATICAN, GE CENTRAL LEGION, GE AUXILIARY, FR. CRIS CRISOSTOMO, GLOBAL SERVICES, SMALL WORLD, CEBUANA LHUILLIER STAFF, RGI ALAKDAN BLUE FALCON MONTECATINI, RGI ALAKDAN BLUE FALCON PISTOIA, RGI ALAKDAN ROYAL ANCHOR, GUARDIANS DELTA FORCE, AS-FIL ROMA at CONFED TUSCANY.

Isang makulay at makagarbong palatuntunan ang naganap sa pangunguna nina Rodolfo Santos at Fatima Haduc ang mga “imported emcees” pang mula sa Roma Hindi din mawawala ang bangketo ng masasarap na pagkaing nakahain at hanggang sa pag-uwi ay may mga pabalot pa.

Hindi naging hadlang ang ulan, kidlat at kulog sa mga taga-Roma na pinamunuan ni Diomedes “Nazareth” Larido, Isagani “Planner”  Pascual, Teodoro “Amor” Evangelista, Antonio “Falcon” Hernardez at iba pang mga kasama kabilang si Daisy Solomon ang Presidente ng GPCR-ACIG (Global Peacekeepers and Community Responders). Isang maaraw namang panahon ang inabutan nila sa Pistoia at mainit na pagtanggap mula sa GE Montecatini at ganun din sa iba pang mga bisita.

Naging bahagi din ng programa ang pagbibigay ng promosyon sa mga kapatid na nagkaroon ng mga magagandang serbisyo para sa grupo at ang panunumpa ng bagong Director ng GE Montecatini Terme na si Bonifacio “Bonyx” Cagabhion.

Hindi nawala ang sama-samang pagkanta ng “Awit ng Guardians” at ganun din ang pagbabahagi “GUARDIANS wine” tanda ng pagkakaisa ng mga magkakapatid sa balikat.

Ang GE Montecatini sa kanilang ika-apat na anibersaryo ay marami ng mga proyekto ang naisakatuparan at marami pang darating tulad ng scholarship program sa Laguna, Feeding Program sa Rizal Province, Pangasinan at sa Pampanga, Health assistance sa Bicol., Livelihood program sa Bacolod rural areas.

Isa na namang masasabing tagumpay na kaganapan na nagsama-sama ang ibat-ibang tahanan ng Guardias at ipinakita ang kanilang KAPATIRAN. (ni Teddy Perez)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinay, biktima sa salpukan ng truck at filobus sa Milano

Dalawang Pinay, timbog sa sugal sa Roma