in

GUARDIANS Emigrant, peace and security staff sa UMEI European Convention

Ang integrasyon ay isa sa mga maiinit na usapin sa bansang Italya na naglalayong magkaroon ng maayos na komunidad at pakikitungo sa lahat ng mga nasasakupan ng kanyang teritoryo.

Maraming inisyatiba ang inilulunsad ng bawat asosasyon na mula sa iba’t-ibang bansa upang mas mabigyang linaw ang halaga ng maayos na pakikisama sa bansang naging pangalawang bahay na para sa mga dayuhan, mula sa sandaling sila ay kinupkop ng bansang Italya.

Noong ika-27 ng buwan ng Hunyo ay isinagawa ang isang convention na pinangunahan ng Unione Marrocchini all’Estero in Italia o UMEI sa Montecatini na ginanap sa Hotel Tuscany Inn. Isa sa pinakamalaking komunidad ang mga Moroccans sa Italya. Dahil dito abala ang iba’t-ibang ahensya ng kanilang gobyerno upang buhayin sa puso ng kanilang komunidad ang minimithing integrasyon at labanan ang lumalalang diskriminsayon.

Ang Punong pangulo na si Aziz Fettami ay siyang nanguna sa nasabing conference at sa tulong ng iba pang mga kasapi ay napagtagumpayan ang nasabing ebento. 

Pinuri naman ang pakikiisa ng GUARDIANS EMIGRANT (GE) Montecatini hindi lamang bilang kinatawan ng filcom sa  loob ng area ng Valdinievole kundi bilang staff ng peace and security na pinangunahan ng kanilang Presidente na si Founder Mirasol “Black Angel” Cabaltera. Isang malaking karangalan sa GE ang mapabilang sa mga organizers ng malaking pagtitipong ito. Nabanggit din ng ilang mga lokal na pahayagan ang mahalagang parte na ginampanan ng GUARDIANS EMIGRANT lalo na sa seguridad ng mga dumalo. 

“Inutile affermare che l’incontro ha avuto grande successo a livello formativo e culturale nel completo rispetto delle norme di protezione e tutela contro il covid 19. Grazie anche alla preziosa collaborazione dell’associazione GUARDIANS Emigrant di Montecatini che ha preso in carico questo compito per la  sua esperienza maturata sul campo sanitario territoriale.”

Ang pangunahing tema ng nasabing pagtitipon ay nakapaloob sa dalawang katagang ito “inclusione-partecipazione“, at ang focus ay nakatuon sa mga kababaihan, sa kanilang puwang sa lipunan  at sa kanilang mga karapatan. Sa gitna ng convention ay halos iisa ang bukambibig ng mga tagapagsalita: ang kilalanin ang karapatan ng mga kababaihan at igiit ang tamang pagkilala at pagrespeto sa kanila. Ayon sa kanila, hanggang sa kasalukuyan ay maraming kababihan pa rin ang kapos sa kaalaman at oportunidad. Kalimitan din ay napapagitna sila sa mga episodyo ng pagmamaliit at maging pambabastos.

Hindi  “absent” ang mga kababaihan sa lipunan, ngunit hirap ang mga ito na makakuha ng tamang pagkakataon upang maipamalas ang kanilang kakayahan. Upang makamit ang mga ito, kinakailangan umano ang tinatawag na “social balance“. 

Nagpaunlak ang mga kilalang panauhin na nagbigay sigla at importansya sa ebento tulad nina Mons. Roberto Filippini, ang bishop ng Diocese ng Pescia, Andrea Ermini, honorary consul ng Senegal sa Livorno, Marco Niccolai, regional councilor ng Toscana, Abdelillah Belboula, presidente ng Federazione Islamica sa Toscana, at Rachid El Amri, vice consul ng Morrocco General Consulate sa Bologna.

Samantala, ilan mga napiling kababaihan ang ginawaran ng recognition award dahil sa kanilang tagumpay sa lipunan dito sa Italyaù, bunga ng kanilang pagsisikap at tiyaga. Isa sa mga ito ay si Magnolia “Mia” Rueda Miranda na isang filipina nurse sa Santo Stefano Hospital sa Prato, kinatawan ng settore sanitario. Kanyang ibinahagi ang sariling karanasan na hindi naging madali bago siya naging permanenteng nurse sa pinagtatrabahuhang ospital. Ayon sa kanya, ang unang-unang problema ay ang “language barrier“. Mahalaga ang makaintindi ng salitang banyaga bago tuluyang makagalaw ng maayos sa host country. 

Sa pagtatapos ng nasabing convention ay nagsalita din ang presidente ng Club para sa UNESCO sa Montecatini na si Beatrice Chelli. Kanyang inilahad ang “Project of Great SPAS in Europe” na naglalayong ipakilala sa buong mundo ang thermal structures ng Lungsod ng Montecatini Terme.

Tagumpay ang naging talakayan at sa paglabas sa venue ay may karagdagang baon ang bawat isa sa kanilang paguwi sa kanya-kanyang tahanan: ang mga natutunan mula sa iba’t-ibang kultura na nagbahagi sa mga dumalo ng kanilang angking yaman. (Quintin Kentz Cavite Jr.)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinay na kababalik lang sa Italya, nag-positibo sa Covid 19

Pansamantalang pagsasara ng Italya sa 13 non-European countries, extended!