in

Guardians Emigrant Rome City Legion, nagdaos ng ika-anim na Anibersaryo

Hindi naging sagabal ang pandemiya sa grupo ng GUARDIANS EMIGRANT para hindi maisakatuparan ang ika-anim (6) na Anibersaryo ng Guardians Emigrant Rome City Legion.

Naging matagumpay at puno ng kasiyahan ang naganap na Anibersayo noong ika 19 ng Setyembre sa “Kahuyan ng Pinetta Saccheti” sa Rome, Italy. Halos sa loob ng dalawang taong lumipas dahil sa dinaranas nating pandemiyang ito ay mababakas mo ang pananabik sa isa’t isa ng kapatiran.

Hindi rin maaring mawala ang mga kapatid na GE Montecatini Terme at GE Pistoia at nagawa nilang ikansela ang kanilang ibang programa ng araw na yun.  Kasama din sa pagdiriwang ang GE- Vatican City Legion, GE -Auxiliary at ang GE Central Legion. Ang GUARDIANS EMIGRANT ay pinamumunuan ni EMGF Nazareth Larido.

Halos isang linggo lang pinaghandaan ang ginawang programa subalit makikitang naging matagumpay ito. Nagkaroon din ng mga palaro at naging mga mistulang mga bata sa saya ang mga nakilahok. Nakatanggap din ng “gifts and cash prizes” ang mga nagwagi.

Sinimulan ni Madam Sis Mila Evangelista ang programa sa pangkalahatang pag-awit ng ating Pambansang Awit at si Pcgs Falcon Tony Hernandez naman ang nanguna sa Panalangin ng mga Guardians.

Naging buod ng programa ang pagsasalin at panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng pamunuan. Si Pcgs Andy Manigbas ang bagong halal na Pangulo ng GE-RCL. Pinangunahan ni PCGS Bossing Quintin Cavite ang panunumpa ng mga opisyal at sya na din ang nagbigay ng papugay at pagdarasal para sa yumaong na Ama ng Guardians na si BGF Abraham Yangao.

Mga nagbigay naman ng mensahe at mga papuri sina Pcgs Stallion, Pcgs Bossing, Pcgs Planner, Sir Tedd, Founder Sinatra at iba pang mga naging bisita.

Isa din sa naging napakagandang sangkap ng pagdiriwang ay ang pagbibigay pugay sa Ama ng GE-RCL na si PCGS Amor Teddy Evangelista na babalik na sa Pilipinas at doon na itutuloy ang kasunod na yugto ng kanyang bukas. Si Pcgs Amor ay isa sa haligi ng Guardians Emigrant at sa loob ng anim na taon ng GE RCL ay nagsilbing puno at daan ng napakaraming proyekto na naisakatuparan ng grupo. Ipinangako nya sa kanyang mga salita na kahit na sya ay nasa Pilipinas ay patuloy pa din nyang pag-iibayuhin ang mga magagandang layunin ng GE-RCL. Mabuhay ka Founder Amor, isa kang huwaran ng tunay na Guardians!!!

Tulad ng mga nakaraang pagdiriwang ng Anibersaryo, sagana sa mga pagkain at inumin ang mga nakahain. Kantahan, sayawan hanggang sa ang liwanag ng araw ay lamunin na ng dilim at bukod tanging mga ilaw na lang ng poste ang nagsisilbing sinag sa mga mananayaw. 

Walang kasing saya kapag nagkasama-sama. Ang hindi mawalang pangamba sa dinadanas na pandemiya ay panandaliang nawala sa mga isipan at nanaig ang pananabik, pagmamahal, respeto sa mga kapatid sa balikat. 

Kaya po Panginoon naming Diyos na Makapangyarihan, patuloy mo po kaming gabayan, iligtas, ilayo sa sakuna at karamdaman. Nais po naming ipagpatuloy ang aming mga magagandang nasimulan.” Mabuhay ang Guardians!!! (ni: Teddy Perez)

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 4.7]

Booking ng bakuna kontra Covid19, tumaas ng 40%

Elezioni Comunali 2021, narito kung paano bumoto