in

GUBA Doce Pares International, patuloy ang paglaganap sa Italya

Nabuo ang GUBA Doce Pares International Italy sa 3 mahahalagang lungsod sa Italya.

Roma, Disyembre 27, 2013 – Isang mahalagang workshop ang ginanap ukol sa GUBA DOCE PARES INTERNATIONAL ITALY noong nakaraang Dec 21 sa Milan.

Pinangunahan ang workshop ni Italy Director Vilma Ramos sa ilalim ng gabay ni SGM Danny Guba, ang GUBA Doce Pares International director na nagtuturo ng original doce pares multi-style system.

Inorganisa ni Maestro Jerry Papa ang workshop para sa mga instructor ng Jeet Kune do.

Layunin ng workshop ang mapalawak ang kaalaman ukol sa Eskrima, kilala rin sa tawag na Kali at  Arnis. Ito ay isang uri ng martial arts na ginagamitan ng armas. Ito ay nagbuhat sa Pilipinas at may mahabang kasaysayan ng pagiging epektibo sa labanan. Kailan lamang kinilala bilang sining ng maraming bansa at higit na tinangkilik kumpara sa ibang Asian martial arts. Ang kaibahan ng eskrima ay ang pagkakaaroon ng gamit na armas at hindi kamay lamang tulad ng maraming martial arts. Bagaman, may armas, ito ay tumutukoy din sa pagsipa, pagsuntok, pakikipag-buno, groundfighting at praktikal na depensa bilang paglaban sa mga armas.

Sa Pilipinas, ito ay tinatawag na Arnis sa Luzon, Eskrima naman sa Visayas at kilala naman bilang Kali sa Mindanao.

Ang mahikayat ang mga kabataan, Pinoy man o hindi at kanilang manahin ang kultura sa larangang ito ay ang pangunahing layunin ng Doce Pares International.

Matapos ang ginawang workshop ay nabuo ang Guba Doce Pares International Italy Lombardia.

Nagkaroon din ng parehong workshop na ginanap noong Nov 23 sa Prato at Nov 24 sa Signa, Firenze sa parehong layunin kung saan naman nabuo ang Guba Doce Pares

International Italy Prato na pangungunahan ni Maetsro Arco Cappelli.

Samantala, ang Guba Doce Pares International Italy Signa Firenze naman ay pangungunahan ni Maestro Enrico Toni.

Dinaluhan ang nasabing workshop ng 50 katao at ng 2 representative buhat sa ibang bansa.

Gayunpaman, inaasahan ang patuloy ng paglaganap ng Doce Pares sa ibang parte ng bansang Italya.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Social card sa mga imigrante, ganap ng batas

Beef with Broccoli Recipe