in

Halalan sa Roma ng mga Consiglieri Aggiunti, itinakda

Itinakda ng Konseho sa pagitan ng Pebrero 14 at Abril 15 ang muling pagpili ng mga imigrante ng kanilang kinatawan sa Kapitolyo. Samantala, bababa sa posisyon ang mga kasalukuyang konsehal sa Disyembre 15. Godoy: “Kailangan ang bagong regulasyon bago sumapit ang araw na itinakda”.  

Rome, Nob 19, 2013 –  Eleksyon sa nalalapit na spring, ngunit ang regulasyon ay kailangang baguhin bago matapos ang taon.

Ito ang mga mahahalagang yugto para sa nalalapit na halalan ng mga ‘’consiglieri aggiunti’, ang mga kinatawan ng mga imigrante sa Kapitolyo, na itinakda ng Konseho bago matapos ang buwan ng Oktubre. Isang panukala ang isinulong kung saan itinakda ang isang araw ng linggo sa pagitan ng Pebrero 14 hanggang Abril 15, 2014 ang eleksyon.  

Gayunpaman, bago sumapit ang itinakdang petsa ay kinakailangang baguhin ang regulasyon ng eleksyon. Batay sa Statute ng Roma Capitale, Setyembre 15 ang itinakdang araw ngunit ito ay di nagampanan. Isang panukala ang inaprubahan kung saan muling nagtakda sa petsang Disyembre 15 upang ang mga kasalukuyang konsehal ay aktibong makalahok sa pagbabalangkas ng bagong regulasyon.

Sina Madisson Godoy Sanchez, Romulo S. Salvador, Victor Emeka Okeadu at Tetyana Kuzy, ay nasa ika-pitong taon ng panunungkulan matapos ang extension sa nakaraang administrasyon at bababa sa kanilang posisyon sa Disyembre 15. Kung di bibigyan ng karagdagang extension, ang lungsod ay mananatiling walang kinatawan ng mga imigrante sa loob ng ilang buwan hanggang sa pagsapit ng eleksyon.

Ang apat na kinatawan noong nakaraang Oktubre 29 ay binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaraoon ng mga kinatwan at hiniling ang pananatili ng representasyon sa konseho. "Ang pagtatanggal sa mga kinatawan ay isang hakbang paurong. Apat na daang-libo imigrante ang mawawalan ng boses sa politika kung saan nagaganap ang mahahalagang desisyon ukol sa kanilang pamumuhay bilang mamamayan”, ayon kay Madisson Godoy sa panayam ng Stranieriinitalia.it. Ayon pa kay Godoy, hindi lamang isang mahalagang desisyon ang naganap noong katapusan ng Oktubre bagkus ay isa ring mahalagang tagumpay na dapat ipagpatuloy”.

"Sa ngayon – dagdag pa nito – ay kailangang isama sa 2014 budget ang pondong kinakailangan para sa halalan at kailangang suriing mabuti ang regulasyon bago sumapit ang Disyembre 15. Kami ay nagsulong na ng panukala, ngunit ito ay maaaring mangailangan ng hgit na panahon at nanganganib na kami ay wala na sa posisyon sa pagsusuri dito. Ito samakatwid ay nangangahulugan ng pagtatanggal sa mga kinatawan sa panahon ng pagdedesisyon”.

Gayunpaman, inaasahan ni Godoy na ang halalan sa 2014 ay ang huling halalan para sa mga councilors . " Sa susunod – pagtatapos pa niya – inaasahan ko na ang mga imigrante ay may karapatan ng bumoto sa halalang lokal tulad ng ibang mamamayan sa lungsod. "

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

SANTO ROSARIO FAMILY NG FIRENZE, NAGDAOS NG “KARAKOL”

Tinanggihan ang pabuya at hiniling na ibigay sa Pilipinas bilang donasyon