in

Halalang Administratibo: Tessera Elettorale at Paraan ng Pagboto

Ang Tessera Elettorale ay maaari pa ring makuha sa maghapon ng Sabado at Linggo, June 4 & 5. Narito rin ang paraan ng pagboto.

 

Roma, Hunyo 3, 2016 – Ang 1300 Comune sa Italya, kabilang ang mga pangunahing lungsod tulad ng Rome, Milan, Turin, Naples at Bologna, ay magluluklok ng Alkalde at mga Konsehal nito.

Ang petsa para sa nalalapit na local election na itinalaga sa darating na Linggo, June 5, mula alas 7 ng umaga hanggang alas 11 ng gabi

Samantala, June 19 naman kung magkakaroon ng Ballottaggio o pagpili mula sa dalawang kandidatong mayor na may pinakamataas  na boto. 

Kabilang na boboto at magluloklok sa mga bagong mahahahalal ang mga naturalized Italians o ang mga Pilipinong nagkaroon ng Italian citizenship by residency, marriage at iba pa, pati na ang mga Pilipinong ipinanganak sa Italya at naging ganap na Italyano sa makalipas ang pagsapit ng ika-18 taong gulang.

Ang tesserae elettorale ay nagpapahintulot sa mga ‘New Italians’ na bumoto, kasama ang isang balidong dokumento sa Linggo June 5

Ang tesserae elettorale ay nagtataglay ng mga sumusunod na datos:

• ang kinabibilangang sezione elettorale

• ang lugar kung saan boboto

• ang Comune o Munisipyo na kinabibilangan

• ang 18 boxes kung saan ilalagay ang timbro ng voting poll head

Sa Roma, upang higit na mapagbigyan ang nakakarami na makaboto ang tessera elettorale ay maaari pa ring makuha bukas, Sabado June 4, mula alas 9 ng umaga hanggang alas 6:30 ng hapon (orario continuato) at sa Linggo, June 5, mula alas 7 ng umaga hanggang alas 11 ng gabi sa Sportello anagrafico ng Munisipyo na kinabibilangan at U.R.P. Electoral Office – Via Luigi Petroselli 50, Rome. 

Samantala, sa ibang lungsod ay maaaring makipag-ugnayan sa Sportello anagrafico ng Comune na kinabibilangan at U.R.P. Electoral Office.

 

Paraan ng Pagboto 

Dalawang scheda ang ibibigay sa mga botante. Ang una ay SCHEDA AZZURA na gagamitin sa pagboto sa Comune – sa Mayor at mga Konsehal nito; at ang SCHEDA ROSSA naman ay para sa Presidente at Konsehal ng Munisipyong kinabibilangan.

Sa parehong scheda ay kailangang lagyan ng X ang simbolo ng napiling ibobotong Alkalde sa Comune, o ng Presidente naman para sa Munsipyo. At sa dalawang linyang katabi naman ng simbolo ay ang mga apelyido ng napiling kandidatong Konsehal – sa parehong Comune at Munisipyo. 

Ipinapaalala na maaaring iboto ang kandidatong napili bilang Alkalde at mga konsehal (isang lalaki at babae) na hindi kabilang sa lista ng napiling Alkalde. Ito ay tinatawag na ‘voto disgiunto’.

Gayunpaman, ang dalawang ibobotong konsehal, sa Comune at Munisipyo, ay dapat na isang lalaki at isang babae kung hindi ang boto ay pawawalang-bisa o ‘voto annullato‘. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pagpapagamot sa Italya, narito ang proseso?

DU31: One Love, One Nation Thanksgiving Party