Rome, Italy – Humigit kumulang sa 250 overseas Filipinos ang dumalo sa Diaspora for Dialogue Conference sa Rome, Italy kamakailan sa pagkikipagtulungan ng Philippine Embassy, Comune di Roma at Commission on Filipinos Overseas (CFO).
Ayon kay Marie Luarca Reyes, chairman ng D2D organizing committee at honorary Italy representive of CFO, magandang pahiwatig ito na maraming mga Pilipino ang nais makilahok sa ganiting pagpupulongang upang makapag-ambag ng kanilang kaalaman at mapabuti ang katayuan ng manggagawang Pilipino na naninirahan sa ibang bansa.
Ang mga overseas Filipinos na dumalo ay mula sa Europa tulad ng Austria, Belgium, Czech Republic, Denmark, France, Germany, Great Britain, Greece, Malta, Netherlands, Norway, Spain, Sweden at Switzerland. Meron din galing North America tulad ng United States of America at Canada. Dumating din ang mga mangagawang Pilipino mula sa Middle East tulad ng Abu Habi at Israel. Dumating din ang taga-Asya tulad ng Hong Kong, Singapore, Saipan at Philippines. Sa bansang Italia, marami ang nagmula sa Brecia, Cozenza, Florence, Milan, Modena, Napoli, Rome, Sardegna, Turin at Venice.
Dumating sa naturang pagpupulong si Dr. Laroza, representante ni Mayor Giovanni Alemano ng Rome at pinuri ang mga Pilipino dahil sa kanilang kasipagan at pagiging “peaceful” na mamamayan sa Italia. Sinabi niya na huwag kalimutan ang kapalit ng maidudulot ng pag-iwan sa mga pamilya, hindi lamang ang pang-ekonomiko kundi pati ang pangkatauhang aspeto na maaapektuhan nito.
Nandoon din si Undersecretary Manuel L. Quezon III ng Presidental Communications Development and Strategic Office at kayang ipinarating ang mga proyekto ng kanilang ahensya upang magkaroon ng positibong pagbabago sa buhay ng mamamayang Pilipino.
Binigyang-din ni Dr. Jose Angel Oropesa, director ng International Overseas Migration ang kahalagahan ng migrante bilang isang positibong lakas para sa kaunlaran ng bansa.
Ayon kay Cardinal Antonio Maria Veglio, president of pontifical counsel for pastoral care for migrant and itinerant people, maswerte ang mga Pilipino dahil marami sa kanila ang marunong ng wikang Ingles subalit kailangang malaman din nila ang wika ng kanilang bansang tinutuluyan upang madaling makasabay sa pag-unlad ng buhay .
Sinabi ni Luigi Cal, director ng International Labor Organization, na maraming manggagawa ang nahaharap sa kapahamakan kaya ang kanilang ahensya ay may layuning bigyan ng kaukulang proteksyon lalu na ang mga migrante.
Hinikayat naman ni Loida Nicolas, secretary ng Commission on Filipinos Overseas, na hindi lamang maging balikbayan ang mga manggagawang umuuwi sa Pilipinas kundi pati imaging isang makabuluhang mamamayan na nakakatulong sa inang bayan.
Hinamon ni Monsignor Jerry Bitoon, Roman curia official of congregation for evangelization of peoples na huwag dapat watak-watak ang mga Pilipino at sa halip, mangarap ay mangarap it na maging isang malakas at matatag na mamamayang Pilipino. (ni: Raquel Romero Garcia)