in

Hari ng 9-Balls, mula sa Firenze

Sa pangunguna ng AS-Fil ay ginanap ang palaro sa bilyar, kung saan nabuo ang Pinoy Billiard Club in Rome.

Roma – Marso 26, 2013 –  Hinirang bilang Hari ng 9-Balls ang taga-Firenze na si Randy Bosque. Pinangunahan ng AS Fil-Roma o Associazione Sportiva dei Filippini a Roma ang torneo. Dinaluhan ng dalawampu’t isang manlalaro upang magtunggali para sa trono noong nakaraang Feb 24 sa Cornelia Club.

Mula sa 4 na grupo, umabante ang top 2 ng bawat grupo  para sa quarter finals, at para sa semi-finals naman ay naglaro ang mga winners ng quarter finals. Napanalunan nila Albert Diaz ng Milan ang 4th place at si Andrea di Mattia, isang Italyano, ang 3rd place. At para sa huling round ay natumbok ni Busque ang panalo laban kay Jericho Camposo ng Roma.

Hindi kaila na kilala ang Pilipinas sa larangan ng bilyar kaya naman hindi ito ang unang beses na nagkaroon ng palaro sa bilyar sa Roma ngunit salamat sa naganap na torneo ay nabuo rin ang Pinoy Billiard Club in Rome.

Sa tagumpay at dami ng taong tumangkilik at nakibahagi sa torneo, hangad ng grupo ngayon ang dalhin ang pa-tournament na ito sa ibang parte ng Italya gaya ng Firenze at Milano.

Nagpapasalamat ang AS Fil-Roma sa walang sawang pagtangkilik ng mga Pinoy sa larangan ng sports at sa mga sponsors na personal na sinaksihan ang torneo. (ulat at larawan ni Jacke de Vega)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

1-day Basketball League ng KMP, isang tagumpay

Sinaktan ang asawa sa harap ng 4 na taong gulang na anak, Pinoy arestado