in

HARI ng BULLS-EYE sa KAHUYAN, Pukulan for a Cause, tagumpay!

Matagumpay na naidaos ang “HARI ng BULLS-EYE sa KAHUYAN – Pukulan for a Cause” ng GUARDIANS EMIGRANT Rome City Legion.

Hulyo 9, 2023 araw ng Linggo sa Parko ng Pineta Sacchetti na mas kilala ng mga Pilipino sa Roma sa tawag na “KAHUYAN”, ng ulitin ng GE RCL ang paligsahan ng Dart. Ito ay paghahanda sa nalalapit na Anibersaryo ng grupo na gagawin sa Setyembre.  Isa ang GE – Rome City Legion sa mga sangay ng Guardians Emigrant Italy Central Cluster Legion. 

May dalawampu at tatlo (23) mga manlalaro ang nakilahok at pumukol sa nasabing paligsahan. Paramihan ng puntos sa “bulls-eye”, 2 puntos sa gitnang pula at 1 punto naman sa gitnang berde. Sa unang ikot ng eliminasyon, 9 pins ang ipinukol ng bawat manlalaro at 11 ang natira para umusad sa pangalawang bahagi. Masaya at puno ng kantyawan at biruan  habang naglalaro, patunay lang ng pagiging mga magkakapatid sa balikat at puno ng respeto sa bawat isa. Sa “FINAL ROUND” ay 4 ang natira. May tig 6 pins ang bawat manlalaro at ang may pinakamaraming puntos ang tatanghahaling “HARI ng BULLS-EYE”

Si Founder Amor ang kampeon, pumangalawa si Bro Danny, pangatlo si Bro Mager at pang apat si Bro Queen. 

Nagbigay ng maikling pananalita ang Pangulo ng GE – RCL na si Pres Andy Manigbas upang maipaabot ang pasasalamat  sa mga miyembro, sa mga lumahok na manlalaro, sa mga sumuportang sponsors ng mga tropeo, kay Bro Jam para sa premyong cash, sa mga Madonna ng GE – RCL na laging nakasuporta at ganun din kina Teddy Perez, Romel Fider at Rico Olida na namahala at nag organisa ng palaro. Nagpaabot din ng pasasalamat sina Founder Amor, Founder Falcon at Pcgs Totsie.

Ang higit na pasasalamat ay para sa ating Poong Maykapal para sa isang napakagandang araw, sa masaganang pagkain at inumin at sa matagumpay na palarong nairaos. (Teddy Perez)

MABUHAY ANG GUARDIANS!!!

LONG LIVE GUARDIANS EMIGRANT!!!

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Carta d’Identità, bakit ito mahalaga sa Italya?

colf

Bagong Decreto Flussi, makakasama ulit ang mga colf at caregivers