“Kahit barya-barya lang, pag pinagsama-sama ay marami na rin ang matutulungan Pilipino man o hindi”.
Roma, Disyembre 29, 2013 – Ang Hawak Kamay Foundation ay itinatag sa Italya noong Abril 25, 2010 upang matulungan ng mga overseas Filipino workers dito sa Roma ang mga nangangailangang kapuspalad na kababayan sa Pilipinas. Ang foundation ay pinangungunahan ni Leonora Sanchez Cariso bilang Presidente at ni Marilyn Villagarcia bilang chairperson ng Sagip Kabayan Project na humanitarian arm ng nasabing foundation.
“Ang Hawak Kamay Foundation ay tumutulong din sa mga imigrante sa paglutas ng mga problema, pagbibigay ng mga impormasyon at pagsasa-ayos ng mga dokumentasyon na may kinalaman sa host country” – pahayag ni Marilyn Villagarcia,sa panayam ng Ako Ay Pilipino.
Upang maabot ang mga institusyon na nangangailangan ng tulong sa Pilipinas tulad ng mga home for the aged, orphanages, hospitals at mga squatter areas ay mga pinagkakatiwalaang kamag-anak, kaibigan, boluntaryo at pribado ang kanilang tanging contact, bigay-diin ng chairperson.
Ang Sagip Kabayan Project, na dating nasa ilalim ng Bagong Bayani Association ay nagsimula noong Oct 2009. Sa katunayan, ay umabot sa 10,000 biktima ang binigyan ng pagkain at mga damit sa Marikina City matapos itong salantain ng bagyong Ondoy.
Sa pamamagitan ng mga bolontaryo na pinangungunahan ni Louie Albert Dela Cruz sa Pilipinas, ang Sagip Kabayan Project ay nakipagtulungan sa grupo ng mga NGO’s sa programang “PAHIYUM” – A day of smiles for the internally displaced children of Visayas, na naghangad na mapasaya ang mga batang biktima ng bagyong Yolanda na nasa Tent city sa Mandaluyong. Dito ay dinala ang kilalang si Jolibee bilang pamaskong handog at pagtugon na matikman ang jolibee hamburger ng food chain.
Sa kasalukuyan, may 2,2 00 ang mga bata sa Bulacan, Paranaque, Batangas, Capalonga at Cardona, Rizal ang nabigyan ng ngiti sa labi ng foundation.
Regular rin ang pagbibigay ng foundation ng tulong sa New Beginning Onlus sa paghahatid ng pagkain sa mga tinatawag na senza tetti sa lungsod ng Roma. Ito ay sinimulan noong 2011 at ginaganap tuwing sabado ika pito ng gabi sa Via Marsala.
“Kahit barya-barya lang, pag pinagsama-sama ay marami na rin ang matutulungan Pilipino man o hindi”, pagtatapos ni Marilyn.
Ang Hawak Kamay Foundation ay ang beneficiary ng ginanap na “Puso ng Pasko” benefit concert sa Roma noong Dec. 22. (ulat sa pagtutulungan ni Pia Gonzalez at Stefano Romano)
Narito ang patotoo ng isang bolontaryo na si Nicka Villagarcia:
“Iyong NGITI ng mga bata, nakakaalis ng pagod! Kung wala po ang Sagip Kabayan Project of Hawak Kamay Foundation hindi po namin mapapasaya ang mga bata sa limang barangay dito sa Capalonga Camarines Norte.
Nang dahil po sa inyo ay nakumpleto ang pasko nila at maging ang pasko namin. Hindi lang po mga bata ang napasaya ninyo , napasaya nyo rin po ang mga tao sa barangay na iyon at maging kami..
Kahit po nakakapagod dahil sa hirap ng byahe, dahil sa maputik at baku bako ang daan ay ayus lang po dahil, nung nakarating na kami doon sa mga barangay at nakita namin na masayang masaya sila ay nawawala po yung pagod namin.
Sa isang barangay ay umaabot sa 200 hanggang 300 bata ang mga naghihintay. Napaka sarap ding marinig ang kanilang pasasalamat at ang pangangaroling. Maging ang pasasalamat ng mga magulang dahil sa pagpapasaya sa kanilang mga anak at natanggap ng kanilang mga anak ang hindi daw nila kayang ibigay.
Maraming maraming Salamat po sa inyong lahat at lalong lalo na po sa Puso sa Pasko”.