Nagkaisa sa paglikom ng lahat ng uri ng tulong na maaaring maibahagi sa mga kababayang nasalanta ng sakuna ang mga Pilipino sa Roma.
Roma, Disyembre 6, 2013 – Oktubre 15, Magnitude 7.2 na lindol ang tumama sa Bohol at Cebu, kasinlakas ng pagsabog ng 32 Hiroshima atomic bombs at mas malakas ng bahagya kumpara sa magnitude 7.0 na tumama sa Haiti noong 2010.Sa huling ulat ay mahigit na 200 katao ang naitatalang nasawi sa lindol. Bukod dito, napinsala ng lindol ang 10 National Treasure Churches kabilang ang makasaysayang Loboc Church sa Bohol at ang Basilica Minore del Sto. Niño sa Cebu.
Makalipas ang eksaktong 3 linggo, Nobyembre 17, ang Central Visayasay hinagupit naman ng bagyong Yolanda na kinikilalang isa sa pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan. Mahigit sa 5,500 katao ang nasawi, 26,136 ang bilang ng mga sugatan habang 1,757 ang nananatiling nawawala.
Mula sa trahedyang idinulot ng mga ito ay umusbong ang pagkakaisa ng mga Pilipinong nasa labas ng bansa. Agad ding kumilos ang ilang mga bansa para makipagtulungan at nagbigay ng pangunahing tulong sa mga nasalanta lalo na ng bagyong Yolanda na lumumpo sa bahagi ng Central Visayas.
Ang mga OFW sa Roma ay nagsama-sama rin sa paglikom ng lahat ng uri ng tulong na maaaring maibahagi sa mga kababayang nasalanta ng sakuna. Hindi lamang simpleng donasyon ang umikot sa halos lahat ng Filipino communities bagkus pati lahat ng uri ng ‘event for a cause’ ay inorganisa upang makalikom di lamang ng tulong pinansyal at kundi pati in-kind tulad ng mga gamot, lumang damit, mineral water, cooking wares at marami pang iba. Magmula sa Embahada ng Pilipinas, na nagkaroon ng malawakang pangongolekta ng donasyon, both in cash and in kind. Nagsilbing drop-off point rin ang Sentro Filipino Chaplaincy sa Urbana ng mga donasyon in kind lalo na’t dito makikita ang malaking bilang ng mga Pinoy na nagsisimba sa Roma. Sa pakikipagtulungan ng mga pangunahing cargo companies sa Roma, ay nagbigay ng libreng serbisyo sa cargo upang lahat ng mga nakolektang basic necessities ay maipadala sa mga nasalanta ng bagyo. Samantala, maging ang mga bangko at remittance center ay tinanggal din ang service fee hindi lamang sa pagpapadala ng mga donation gayun din sa mga ipinapadalang remittance sa mga kapamilyang naapektuhan ng sakuna.
Narito ang ilan sa mga aktibidad ng mga Filipino communities at mga asosasyon sa buwan ng Nobyembre at Disyembre. (ulat ni Jacke De Vega at mga larawan sa pakikipagtulungan ng mga nabanggit ng grupo)