Umabot ng mahigit 300 E-Passport applicants ang dumulog sa Philippine Consulate General in Milan sa kanilang pagbubukas sa araw ng linggo sa pagpasok ng taon 2019 para sa Consular Service pati na rin ang ilang serbisyo ng mga Attached Agencies gaya ng pag-aaplay o renewal ng OWWA certificate, SSS, Pag-ibig at iba pa.
Ang programang ito na ninais ni PCG Milan Consul General Susan Irene Natividad ay ang pagbubukas ng consulate ng anim na araw ng linggo sa isang taon upang bigyan ng pagkakataon ang ating mga OFWs na walang oras mula araw ng Lunes hanggang Biyernes
Ayon kay Philippine Consulate General in Milan Consul Manuel Mersole Mellejor, pinakamarami ay ang mga nag renew ng e-passports, at kung ikukumpara ito sa mga ordinaryong araw na umaabot lamang ng mahigit 150 pababa ang bilang ng mga passport applicants.
“Yong ating pagbubukas ng Sunday sa taon na ito ay tinanggap ng warmly ng ating mga kababayan sa jurisdiction ng Milan. Sa katunayan nung araw na yun ay punung-puno ang atin Konsulado ng mga aplikante na nag avail ng kanilang mga consular services, ang pinakamarami doon ay yong nag parenew ng E-Passport at yong ang pinakamataas na bilang sa isang araw lamang. Yon ay tinatawag nating masayang problem dahil hindi pala masasayang ang pagbubukas natin sa araw ng Linggo”, tugon ni PCGMilan Consul Mellejor.
Sa kasalukuyan ay mabilis na ang normal na proseso ng e-passport at natatagalan lamang ito kung mayroong irregularities sa mga pangalan.
Ang releasing ng passport ay umaabot mula sa apat hanggang anim na linggo na lamang. Bagay na ikinahahanga ng Konsulado ng Milan dahil sa agarang aksiyon sa paggawa ng mga passport sa Pilipinas.
54 euros ang babayaran sa pag apply ng pasaporte at validity nito ay sampung taon para sa adults, samantala para sa mga minors naman ay limang taon.
“Compliant siya sa international standards, puwede na ma-scan sa immigration, kasi yong dati natin passport ay scripted yun. Ngayon ay electronically and digitally produced, at mga detalye niya ay nakabase sa standards ng immigration”,paliwanag pa ng Consul.
Sa inilabas na bagong panukala ng Department of Foreign Affairs sa pagkuha ng mga passport para sa minors ay hindi na kailangan iprisinta ng magulang ang mga birth certificates ng kanilang mga anak.
Bukod pa sa pagbubukas ng consulate sa araw ng linggo, ay mayroon pang nakatakdang 15 scheduled mobile consular services para sa taong kasalukuyan sa mga malalaking bayan na may kalayuan sa Milan.
“Tuwing consular service namin ay binibigay namin lahat maliban lang sa visa, at sa ngalan ng atin Consul General Susan Irene Natividad, nagpapasalamat kami sa atin mga kababayan natin lalo na sa mga Filipino Community leaders. Ang susunod na pagbubukas ng araw ng linggo ay sa March 31”, pagwawakas ni PCG Milan Consul Mellejor.
Mungkahi ni Mellejor sa mga OFWs na tignan muna ang mga requirements sa website ng PCGMilan sa www.milanpcg.dfa.gov.phpara sa mga nais mag avail ng consular services ng PCGMilan nang hindi na maantala sa pagtungo sa Konsulado ng Milan.
Kaugnay nito, ayon sa PE Rome sa pamamagitan ng page nito sa social media, ay higit sa 300 katao ang nagtungo sa Embahada para sa consular service at iba’t ibang serbisyo nito sa unang araw ng Linggong pagbubukas nito sa taong 2019.
Nagmula pa sa iba’t ibang bahagi ng South Italy na nasasakupan ng juisdiction ng Embahada tulad ng Bari at Florence sa Puglia at Tuscany regions.
186 ang mga aplikante ng pasaporte, 26 naman para sa notarial and certification services at 4 naman sa civil registry. Umabot naman sa 31 ang tumanggap ng reacquired ng Philippine citizenship.
Ang mga Attached agencies naman – Philippine Overseas Labor Office, Overseas Workers Welfare Administration, at Social Security System ay nagbigay serbisyo sa halos 200 Pilipino.
Chet de Castro Valencia