in

Higit sa 40,000 euros, sikwestrado sa mga Pinoy

Sikwestrado ang higit sa 40,000 euros, katumbas ng 50% ng halagang labis na hindi idineklara ng dalawang Pinoy.

 

Agosto 22, 2016 – Dalawang Pilipino ang natuklasang hindi idineklarang lahat ang perang dala sa Pisa Airport kamakailan.

Ayon sa ulat ng Ansa, ang 105,000 euros ay hinati sa dalawang bahagi at itinago sa dalawang bagahe ng mga Pinoy upang maiwasan ang control ng customs.

Matatandaang inoobligahan ng batas ang ideklara sa customs ang halagang mula o higit sa 10,000 euros. Sikwestrado ang higit sa 40,000 euros, katumbas sa 50% ng halagang labis na hindi idineklara ng dalawa.

Ang dalawang Pinoy ay patungo umano ng Carrara at ang halagang dala nila ay gagamiting pambili ng marmol.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

OFW Watch Italy, naglunsad ng Adyenda ng mga Manggagawang Pilipino sa Italya

14 hanggang 15 pamilyang Pinoy, apektado ng lindol sa Norcia, Italy