in

Higit sa isang libong Pilipino, natulungan ng bagong tatag na MOVE-OFWs

Sa loob lamang ng wala pang dalawang buwan mula ng pagkakatatag ng Movement of Volunteers for the Empowerment of OFWs (MOVE-OFWs, ay umabot na sa mahigit isang libong (1,000+) Pilipino ang natulungan ng bagong grupo.  

Makasaysayan ang pagkakatag ng Movement of Volunteers for the Empowerment of OFWs (MOVE-OFWs) sa pangunguna ni Ed Turingan.  Nangyari ito sa gitna ng pandemya kung saan maraming suliranin sa hanay ng mga OFW ang tila walang kasagutan.  

Ang MOVE-OFWs ay naglalayong tulungan ang mga kababayan nating mga Pilipino na nahihirapan kumuha ng ‘appointment’ via online sa Konsulato ng Pilipinas at maging sa iba’t ibang ahensiya ng Gobyerno ng Italya.  Sa mabilis na takbo ng teknolohiya ay maraming  mga kababayan ang di makasabay sa itinakdang pagbabago ng bawat transaksyon. 

Sa sitwasyong ito isinilang, Pebrero 21, 2021 ang samahan ng mga boluntaryo na naglalayon umasiste sa mga nahihirapan natin mga kababayan na napag-iwanan ng teknolohiya kundi man ay abala sa trabaho. Ang serbisyo ay libre. Walang kapalit at bukal sa puso.

Pinakatampok dito ang pagbibigay ng mga napapanahon na kalatas. Impormasyon hinggil sa pagbiyahe pauwi ng Pilipinas at pabalik ng Italya. Mga dadaanan na rekisitos at test na dapat gawin, bilang ng kwarantin, mga hotel na tutuluyan at mga makabuluhan na referral. Idagdag pa ang mga balita na inilalabas ng Konsulato sa Milan, POLO-OWWA na mas naging madali sa mga OFW na unawain. Naging buhay din ang palitan ng impormasyon sa FB page na sadyang ginawa ng MOVE OFW para sa mga mahilig mag surf sa Social Media tulad ng FB. 

Ang noong iilan lamang na yumakap sa diwa ng boluntaryanismo ay dumami sa loob lamang ng halos dalawang buwan. Kung dati ay pagkuha lamang ng iskedyul sa pagpapanibago ng pasaporte at aplikasyon sa OWWA at iba pang ahensya ng Gobyerno, lumawak pa ito. Nabuo ang Team Buoni Spesa, na ang layunin ay makakuha ng diskwento o voucher, ang mga manggagawa sa kanilang pinamimili. Bahagi ito ng tulong ng Pamahalan ng Italya. 

Nadagdagan pa ito nang magpulong nitong Marso 27 ang mga pinuno ng Asosasyon. Nakita ang pangangailangn na buuin ang Team Alloggiativa na kailangan ng mga nangungupahang mangggagawa. Team Permesso di Soggiorno para sa mga magrere-renew ng kanilang dokumento at Team Translation para sa mga papeles na obligadong isalin sa wikang Italyano.

Sa kasalukuyan, may walo ng Team na pinangangasiwaan ng MOVE OFW matapos itong mabuo ng nagdaan Pebrero. Ang mga pangkat ay ang sumusunod. Team Tessera Sanitaria na pinamumunuan ni Ms Maria Kristel Basilan Amboy, Team SPID na si Ms Neria Medina ang pinuno, Team Appuntamento Italy na kung saan si Ms Madz Serrano Villanueva ang lider, Team ATM ni Ms Vivian Tamayo , Team Dote at Ristorazione ni Jean Crsitalyn Rosario, OWWA APP ni Ms Rowena Burgos, OWWA at Passport Appointment sa pangunguna ni Helen Garcia at Team Buoni Spesa at Carta Aquisti na si Ms Wilma Macatangay naman ang nangangsiwa.

Sa loob pa lamang ng halos 2 buwan simula ng ito ay maitatag, mahigit isang libong Pilipino na ang natulungan ng MOVE OFW. Isang penomenon sa kasaysayn ng serbisyo publiko at nagpabago sa mga tunguhin ng mga organisasyon.

Narito ang mga opisyales na bumubuo sa Executive Committee ng MOVE-OFWs;

President-Mr. Ed Turingan, Vice-President for Internal Affairs-Mr. Lito Garcia, Vice-President for External Affairs-Ms. Analyn Silva, Secretary General-Ms. Vivian Tamayo, Treasurer-Ms. Helen Garcia, Auditor-Ms. Leonora Ignacio.

Facebook Page:  https://www.facebook.com/MOVERS.OFW/

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ako-ay-pilipino

Reddito di Emergenza 2021, paano mag-aplay

Colf na maysakit, ilang araw ang sick leave at magkano ang matatanggap na sahod?