in

Hostage at rape, dinanas ng apat na Pinoy sa Modena

Isang malagim na pangyayari ang dinanas ng mga kababayang Pilipino sa kamay ng walong lalaking Pakistano na nang-hostage o nagkulong ng isang gabi sa dating abandonadong bahay sa NOVI, isang bayan sa probinsiya ng Modena

Ayon sa mga Carabinieri, itinawag agad ito sa kanila ng mga residenteng tumulong sa mga biktima habang nagtatangkang tumakas ang mga ito pababa mula sa bintana ng bahay, umaga ng ika-11 ng Disyembre, 2022.  Sa mga oras na yaon, ang mga lalaki ay kasalukuyang tulog kaya agad namang nadakip ang mga ito. 

Ang mga biktima ay tatlong kababaihang Pilipina, edad 40-50 ang dalawa, at ang isa naman ay 32 anyos. Ang kasamang kabataang lalaki ay hindi na pinabanggit ang edad. Silang apat ay may mga senyales ng pagka-abusong sekswal kung kaya’t isinugod na ng 118 sa ospital upang mabigyan ng atensiyong medikal. 

Ayon sa pahayag ng mga biktima, sila ay nagtungo sa Modena upang mamasyal. At nakumbinsi diumano ng mga Pakistano na sila ay ihahatid sa kanilang pupuntahang lugar. Ngunit sa kasamaang-palad, sila ay dinala sa isang lumang bahay sa Novi, ikinulong at doon na nga sila inabuso. Ang nasabing bahay ay matagal nang abandonado at ayon sa mga taga-roon, isang taon pa lamang ang nakaraan nang may namahay na doong isang Pakistano at ginawa na ring tuluyan ng iba pa niyang kababayan. 

Sa kasalukuyan ay nai-report na ito sa Philippine Consulate General sa Milan at inaasahan ang mga hakbang na gagawin ang Konsulado para masampahan ng kaso ang mga nahuling Pakistano at matulungan din ang mga Pilipinong biktima upang matamo ang katarungan.

(ulat nila: Dittz Centeno-De Jesus at Aileen Garcia-Casapao)

Click to rate this post!
[Total: 4 Average: 4]

Pagbubuntis ng colf, dahilan ba upang tanggalin sa serbisyo?

Ano ang maaaring gawin kung walang permesso di soggiorno at hindi kayang bayaran ang medical expenses?