Dalawampung mga pinalad na Pinoy ang unang pinagkalooban ng i-Dole card sa Italya. Ang i-Dole card ay ang ganap na magtatanggal sa Overseas Employment Certificate (OEC) na kilala rin sa tawag na exit pass sa Italya.
Inilunsad mismo ni Labor Secretray Silvestre Bello III, sa kanyang muling pagbisita sa Milan, ang i-Dole card matapos ang ginanap na DFA Command Conference.
Dalawampung mga pinalad na Pinoy ang unang pinagkalooban ng i-Dole card sa Italya. Ang 20 I-Dole cards ay dala mismo ng Kalihim mula sa Pilipinas at ang mga pinalad na may-ari ng mga cards ay ang 20 pangalang nabunot randomly sa database ng mga Pilipino sa Italya.
Bukod sa pagkakataong makadaup-palad ang Kalihim, kasama sina Milan Labor Attachè Corina Padilla Bunag at Milan Welfare Officer Jocelyn Hapal ay masayang tinanggap ng mga Pinoy na residente sa Milan ang kanilang I-Dole card sa ginanap na pilot launch nito noong Lunes, Jan 29 sa bagong tanggapan ng Milan Consulate sa Viale Stelvio 71 (Via Bernina 18) Milan.
“Para sa mga Balik-Manggagawa, mag-rehistro lamang po kayo sa inyong mga embahada at mga konsulado, sa POLO office at sila na ang magpapadala sa amin. Gagawin namin ang mga IDs at ipapadala namin ito sa inyong mga bansang pinagta-trabahuhan”, ayon kay Secretary Bello.
Ang i-Dole card ay ang ganap na magtatanggal sa Overseas Employment Certificate (OEC) na kilala rin sa tawag na exit pass sa Italya na unang inilunsad sa Malacañang noong Hulyo 2017.
Bukod dito, ay ipinagmamalaki rin ni Labor Secretary ang posibleng pagbubukas ng OFW Center sa Milan.
Sa pagkakaroon nito, paliwanag ni Milan Labor Attache, ito umano ay isang resource center para sa mga Ofws, para sa iba’t ibang mga training programs. “Ito ay maaari ring magsilbing shelter para sa mga dsitressed Ofws sa hinaharap”, dagdag pa ni Labatt.
Samantala, kasama ang ilang leaders ng komunidad at ang staff ng POLO OWWA Milan ay binisita rin ni Secretary Bello ang bubuksang Jollibee sa sentro mismo ng Milan. Ibinida kasabay ng mainit na pagsalubong ng mga staff at crew ang unang-unang bubuksang food chain nito sa Europa.
Dumalo si Secretary Bello sa ginanap na Command Conference sa Milan na sinundan naman ng Forum with the Filipino Community.