in

I Paramedici Protezione Civile Filippini, nagdiwang ng ika-7 taong anibersaryo

Bukod sa paggunita ng pitong taong tinahak, ay punong-puno rin ng kasiyahan ang ginanap na anibersaryo ng “I Paramedici Protezione Civile Filippini” nitong Agosto sa Parocchia di San Nazareth. 

Ang ika-pitong anibersayo ay makabuluhang sinimulan sa pamamagitan ng Blood Donation sa umaga. 

Sinundan ng banal na misa bilang pasasalamat sa mga natanggap na biyaya bago opisyal na simulan ang programa. 

Ang anibersaryo ay dinaluhan ng lahat ng batch na nagtapos ng Patient Care Skills Training na nagpakitang gilas sa larangan ng talento sa awit, sayaw at pag-arte sa attire na Floral Summer. 

Panauhing tagapagsalita naman si Pia Gonzalez Abucay, ang patnugot ng Ako ay Pilipino. Aniya “Ang pitong taon ng I Paramedici ay siguradong hindi puro saya lamang. Ito ay umabot at aabot pa sa maraming taon dahil din sa mga pagsubok na bahagi nito. Ito ang magsisilbing hamon sa bawat miyembro para sa isang mas maganda at makabuluhang pamumuhay”. 

Matatandaang August 11, 2011 ng ang I Paramedici ay naitatag. Pangunahing layunin nito ang “Empowering the OFWs in a Globalized Arena of Works”. 

Patatagin ang kalinangan, kamalayan at kasanayan ng bawat OFW sa ikakaganda ng buhay ng bawat isa at para na rin sa ikagaganda ng kinabukasan ng kani-kanilang mga pamilya”, ayon kay Dindo Malanyaon, ang founder/president ng nasabing grupo. 

Sa loob ng pitong taon ay naitalaga ang pagkakaroon ng maraming kurso kabilang ang ‘Life Support Training’ na kinabibilangan ng First Aid, Fire fighting at Patient Care Skills Training at Health Care Assistant for the elderly. 

Sa ilalim ng Patient Care Skills Training ay dumadaan sa mga pag-aaral at pagsasanay ang mga trainees sa loob ng pitong linggo. Dito ay pinag-aralan kung paano ang maging isang ganap na care giver at ang tamang pag-aalaga sa mga pasyente pati na rin ang tamang pag-uugali sa panahon ng emerhensya. 

Aming maipagmamalaki na mula sa kursong ito, may ilang dating domestic helper sa Italya ang nagta-trabaho na ngayon sa Sweden bilang Health Care Assistant at isang neuro nurse naman sa St. Luke’s Hospital sa Plipinas”, dagdag pa ni Dindo. 

Pinatatag ng mga trainings na ito ang mga trainees. Mawalan man sila ng trabaho sa anumang kadahilanan ay mabilis silang makakahanap ulit ng panibago sa sahod na higit pa sa nakasanayan na nila”. 

Samantala hangarin naman ni Dindo sa hinaharap ang magpatuloy sa marami pang mga trainings. “Hanggat may ofw na handang tulungan ang sarili upang guminhawa ang kabuhayan para na rin sa kanyang pamilya, siya ay aking tuturuan. I don’t help, I teach”. 

Higit na pasasalamat sa suportang ibinibigay ng ating Embahada sa pamumuno ng ating The Working Ambassador Domingo Nolasco at ng ating butihing Labor Attaché Attorney Haney lyn Siclot at sa napakasipag na OWWA Welfare Officer- ROME Mr. Hector Cruz Jr.”, pagtatapos ni Dindo. 

Masasabing nakamit ng mga tarinees ang Knowledge, Ability at Competence na motto ng asosasyong iParamedici at inaasahang ang kanilang mga patotoo ay magsilbing ilaw at gabay sa mga Pilipinong tila naguguluhan at nawawalan ng pag-asa sa buhay. 

Ang mga kursong ibinibigay ng iParamedici, sa suporta ng OWWA Roma ay bukas sa mga OWWA members at mga undocumented Pinoys. Mangyaring makipag-uganyan lamang kay Dindo Malanyaon sa numero 3801984693. 

 

Basahin rin:

Dalawampu’t pitong mga Overseas Filipino Workers, nagtapos ng Patient Care Skills Training sa Roma

 

PGA 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Italian citizenship sa loob ng 4 na taon, pagbabagong hatid ng Decreto Salvini

Pinoy snatcher, timbog ng mga pulis sa Roma