in

Ika-119 araw ng Kasarinlan ng Pilipinas, ginunita sa Firenze

“Kabataan, pamilya, sambayanan, sama-sama sa minimithing kapayapaan”

 

Ang pagdiriwang ng ika-119 Araw ng Kasarinlan ay idinaos sa Firenze ang noong ika-18 ng buwan ng hunyo 2017. 

Araw ng sabado pa lamang ay naging abala na ang ibang mga organisasyon sa ginawang paghahanda sa malaking taunang pagdiriwang. Umusbong ang espirito ng bayanihan sa Polisportivo Filarete Firenze dahil tulong-tulong ang iba’t ibang asosasyon sa pagtatayo ng mga gazebo.

Dakong alas 11 ng umaga, sa temang “Kabataan, pamilya, sambayanan, sama-sama sa minimithing kapayapaan” ay isinagawa ang parada ng lahat ng mga asosasyon sa loob ng impianto polisportivo bago sinimulan ang ikalawang bahagi ng programa.

Mahusay ang apat na mga emcees na sina Ms.Precy Tejero, Mr.Bok Arago, Ms.Tess Abrigo at Ms.Teth Villanueva. Dahil sa kanilang galing ay naging buhay ang ebento mula sa simula hanggang sa pagtatapos nito. Habang inaawit ni Ms. Camille Cabaltera ang Lupang Hinirang ay dahan dahang itinaas ang watawat ng Pilipinas na sinuandan naman ng pambansang awit ng Italya na inawit ni Ms. Michelle Alonzo. 

Panauhing pandangal si Consul Fabio Fanfani na pinuri ang komunidad ng mga pilipino sa Toscana dahil sa makulay at masiglang piyesta ng kalayaan at sa ipinakitang pagkakaisa sa idinaos na pagdiriwang. Ang kultura at tradisyon ay hindi dapat kalimutan dahil ang mga ito ang haligi at pondasyon ng isang matatag na demokrasya at simbolo ng malayang bansa, dagdag pa ni Dott. Fanfani. Pinaunlakan din ang imbitasyon ng CONFED ng mga sumusunod pang mga panauhin:

Andrea Vannucci (Assessore allo Sports – Comune di Firenze), Avv.Alessandro Berti (Decano Corpo Consolare – Console Danimarca), Dott.Franco Biagini (Consulate Asst.Personel), Ms. Simona Amerighi (Consulate Secretary), Mdm. Lolita Valderrama Savage (FilAm Multi-Awarded Fine Artist), AILO friends, Avv.ssa Ma.Grazia Orlandi, at Rev.Fr. Cris Cielo Crisostomo, Jr. 

 

Sa loob ng programa ay nagpamalas ng kanya-kanyang galing sa pagawit at pagsyaw ang iba’t ibang asosasyon. Naging masaya lalo ang piyesta ng magtakbuhan sa gitna ng campo ang mga bata dahil sa inorganisang mga tradisyunal na palaro tulad ng pabitin, tug-of-war, at iba pa.

Sa gitnang bahagi ng pagdiriwang ay ginawaran ni Consul Fanfani ng espesyal na parangal si Mirko Buffolino, isang italyanong may kapansanan ngunit napaka-aktibo sa mga ginagawang pagtulong sa mga mas nangangailangan sa pamamagitan ng pagiging miyembro nya sa Guardians International Italy 1st Legion. Ani ng butihing Consul, isa lamang daw itong pagpapatunay na ang lahat ay maaring maging aktibong instrumento sa pagtulong sa kapwa at ang kapansanan ay hindi hadlang upang maisakatuparan ang mithing makatulong sa mga mas nangangailangan saan mang panig ng mundo.

Bago magtapos ang selebrasyon ay nagkapitbisig ang mga kinatawan ng mga organisasyon sa himig ng “Bayan ko”.

Nagpasalamat sa lahat ng dumalo at nakiisa sa selebrasyon ang Presidente ng CONFED na si Ms. Divinia Viaje Capalad kasama ang Bise Presidente na si Ms. Amy Bayongan dahil sa tagumpay ng isinagawang pagdiriwang. Papuri at pasasalamat din sa Committee Heads ng Socio-Cultural committee na si Mr.Leo Piñon at Tess Abrigo na silang nanguna sa mga ginawang paghahanda sa ikatatagumpay ng pagdiriwang  na ito, kasama sina Mr. Romy at Lani Alonzo, Jun Macatangay at Pabs Alvarez.

Ani ni presidente Vinia Capalad, sa tagumpay ng natapos na pagdiriwang ay wala ang salitang AKO o IKAW bagkus ang ATIN…tagumpay NATING lahat dahil sa ipinamalas na pagkakaisa. Kaya hanggang andito TAYO, KAYO, SILA, sama-sama at nagtutulungan na merong pagkakaisa mas lalong maiimprove at magkakaron ng bagong aspeto ang ating taunang pagdiriwang.

Ang mga dumalo sa selebrasyon ay ang mga sumusunod:

1. Filipino Catholic Community of San Barnaba

2. Assemblea di Dio Missioni Evangeliche Firenze

3. Santo Rosario family

4. Unifil, Sant’Andrea Sentro Katoliko Empoli

5. FilCom Sant’Andrea Sentro Katoliko Empoli 

6. Pentecostal Missionary Firenze

7. Jesus is Lord 

8. Scouts Royale Brotherhood Firenze, Bologna, Roma 

9. Alpha Phi Omega Firenze

10. Tau Gamma Phi Triskellion Firenze 

11.Filipino Indipendenza group 

12. Guardians International (GI) 1st Legion- Montecatini Terme

13.GPII RAM Red Eagle IEC Firenze, GPII Black Panther IEC Treviso, GPII IEC Lion Wings Modena

14.Guardians Solid Brotherhood Int’l Inc., Bronze Wings- Firenze

15. Guardians Brotherhood Int’l True Blue Blooded Guardians

16. Dangal ng Guardians Philippines Int’l Diamond Chapter

17. Radical Guardians Brotherhood Int’l Inc.-Firenze

18. Aguman Kapampangan

19. Timpuyog Association

20. Saranay Association

21.Mabinians group

22.Mindoreñans group

23.KBP Saimsim group

24. Filipino Golden group

25.OFWatch Tuscany

26.Gabriella Womens International

27. Pilipino-Italo Nazionale Org.Italy- Arezzo

28. United Filipino Association of Arezzo

29. Pinoys in Pistoia 

30. Filipino Immigrati in Toscana

31. Associazione Immigrati in Toscana

32. Filipino Nurses Asso.in Tuscany

33. Filipino Bikers in Firenze

34. Litrato Klub 

35. Guardians Elite 

36. Filipino Socio- Culturale and Sports

37. Filipino Community of Livorno

38. .Migrante Europe Int’l Firenze, Mantova

39. TAMPCI Viareggio

40. CBN/BD0 Gil Baldovino

41 . PNB & Atlas – Mike Figueroa

42. Viva Filippine Patronato Rolan Fernandez

43.. Patronato Labor Luzviminda Paladin

 

ni Quintin Kentz Cavite, Jr.

photo credit: Mr. Precy Palejon

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bagong vouchers, simula ngayon July 10

Ika-119 na taong Araw ng Kalayaan, tagumpay sa Roma