“Pagbabago Sama-samang Balikatin!”
Roma – Naganap sa tatlong bahagi ang pagdiriwang ng ika-119 na taong pagunita sa Araw ng Kalayaan sa Roma.
Ito ay taunang pinaghahandaan ng buong komunidad, na pinangungunahan ng Philippine Independece Day Association o PIDA, sa pamamagitan ng presidente sa ikalawang termino nito, si Augusto Cruz.
Sa ika-sampung taong paghahanda ng nabanggit na asosasyon, ginanap ang unang bahagi sa pagunita sa noong June 4, sa Piazzale Manila, kung saan matatagpuan ang bantayog ng ating pambansang bayani. Taunan ang ginagawang pagpupugay ng mga Pilipino kay Gat Jose Rizal bilang dakilang Pilipinong nagbuwis ng kanyang buhay upang makamit ang ating kalayaan.
Ito rin ang hudyat ng simula ng pinakamalaking pagdiriwang ng taon sa bansa, ang Philippine Independence Day celebration.
Panauhin sina H.E. Domingo Nolasco ng Philippine Embassy to Italy at Chargé d’ Affaires, Hon. Charlie P. Manangan ng Philippine Embassy to the Holy See.
Nakiisa rin ang Knights of Rizal Florence at mga Kababaihang Rizalista mula pa sa Modena.
Taunan rin ang pakikiisa ng Guardians PDGII sa pangunguna ni Norberto Fabros na nangangalaga sa plasa partikular sa bantuyog ng ating pambansang bayani. Sa Kasama rin ang GEMPA sa pangunguna ni Robert Gutierrez.
Matapos nito, ikalawang bahagi ng pagdiriwang ay ang ginanap na Thanksgiving mass sa Basilica di Sta. Pudenziana na pinangunahanng celebrant na si Fr.Ricky Gente,CS at mga co-celebrants na sina Fr. Aris Miranda, CO; Fr.Rene Cabag, CICM at Fr. Jomarie Ezpeleta, RCJ.
Ang magandang tinig naman ng Koro Filipino Choir ay pinangunahan ang sambayanan sa pag-awit. Isang masaganang tanghalian ang nagsara sa dalawang selebrasyon.
Ang pinaka-puso at pinakahihintay ng komunidad ay ang Cultural celebration na ginanap noong June 11 sa Sala Olimpia Ergiffe Palace Hotel.
Tulad ng kinaugalian, sama-samang maalab na nagdiwang sa buong maghapon ang filcom.
Binuksan ang pagdiriwang ng unang set ng mga emcees na sina Pia Gonzalez-Abucay, ng Ako ay Pilipino, Aileen Joy Rabara mula sa Sentro Pilipino Sta. Pudenziana at Jhun Phar. Sa ikalawang bahagi naman ay nakapiling ang mga magaling na pares na emcees na sina Luisse Brazil at Macky Rabelas.
“Pagbabago Sama-samang Balikatin” ang temang binigyang-diin ng mga panauhing pandangal na sina H.E. Ambassadorb Domingo Nolasco ng Philippine Embassy to Italy at Chargé d’ Affaires, a.i. Hon. Charlie P. Manangan ng Philippine Embassy to the Holy See.
Sinundan ito ng Ecumenical Services kung saan nakapiling ang mga kapatid na sina Fr. Gregory Ramon D. GASTON Rector Pontificio Collegio Filippino, Bro. Felmar Serreno District Minister INC at Rev. Dr. Daniel Ramirez, Values Formation.
Sa direksyon ni Pong Olanday, ang freelancer tv and events producer na mula pa sa Pilipinas, isang mayamang kultura naman mula Aparri hanggang Jolo ang ipinamalas sa ginawang presentasyon ng iba’t ibang local talents kabilang ang Pinoy Teens Salinlahi, Kalahi, FilCom Napoli, Pena Francia Community Tuscolana,
Partikular ang ipinakita-gilas, lakas at husay ng Ikalawang henerasyon sa kanilang partikular na presentasyon tulad ng Pinoy Guru at ang modern presentation ng mga grupong Pinoy Star, Icon Movers, BAL Italia, Extranet SRL OAM, Sta. Maria Goretti Youth, Jeff Creus, Giselle, District Crew, MDG Filcom; at beat boxer na si Kurt Michale Sebastian.
Ang mga acoustic artists tulad nina Aby Magsino, Melisse Abucay, Joseph Espera (Feddback), Eklipse ay nakipag-sabayan rin.
Tila mga birit King and Queens naman ang mga naghandog ng kanilang awitin tulad nina Michael Angelo Sena, EJ Jacinto, Princess Larrido, Andrew Mangahis at Elisabeth.
Mala-anghel na boses ang nasaksihan mula sa mga Choral groups tulad ng SRA Trullo Choir, Vocals at ADIMEF.
Hindi naman nagpahuli sa rampahan sa pangunguna ni Cristina at ang mga candidates ng Mrs. Philippines candidates ng Ginangs 2017, Top Models.
Todo bigay rin ang mga Zumba Mommies, Koro Filipino, Apri, Marian Missionaries, Bicol Saro Penafrancia, Ormin Filcom.
At hindi rin mawawala ang Pinoy Martial Arts mula sa magaling na grupo ng Black Squadron at Saoma AMA.
Nakapiling din sa huling bahagi ng pagdiriwang our very own Armand Curameng mula Palermo, ang unang-unang Pilipino na sumabak sa The Voice Italy kasama si Fabio Degennaro.
Tampok pa rin ang makulay at walang kupas na parada na pinangunahan ng banda ng Bansudenos.
Natunghayan sa mahabang parada ang mga naggagandahang Filipiniana-inspired na mga kasuotan at ang pinaghandaang tila mga uniporme na pinagkakilanlan ng halos 300 grupo na dumalo sa pagdiriwang. Tinatayang mahigit sa limang daan katao ang lumahok sa taunang parada.
Samantala, sa higit 13,000 libong mga raffle tickets na naibenta ngayong taon, ay binola bilang major prizes ang 10 round trip tickets Rome-Manila-Rome buhat sa regular major sponsors ng selebrasyon, ang mga airline companies tulad ng Qatar Airways, Saudia Airline (3), Emirates (2), Turkish Airline, Singapore Airline, Cathay Pacific at Etihad (2)sa tulong ng mga travel agencies: City Travel (4 tickets), Jeepney Travel (4), Filmondo (2), Equarlaes. Cabral Travel Agency at Popular Travel & Tour. Sinundan ito ng Disneyland Tour (Nories), Trip to Europe, train ticket at cruise ship (City Travel) at ang napakaraming Consolation prizes.
“Hindi talunang umuwi ang halos 4,000 attendees ng PID celebration – ayon kay Cruz. Hindi man sila nanalo ng round trip ticket o consolation prize, nag-uwi pa rin sila ng tuwang hatid ng kabuuan ng pagdiriwang: kasama na dito ang maraming mga food stands kung saan natagpuan ang mga pagkain at produktong pinoy; ang business sector na nagpakita at nag-alok ng kani-kanilang produkto at serbisyo at dahil na rin sa tila yearly reunion ng mga Pilipino sa Roma at mga karatig-lugar na taun-taong nakikiisa! Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat at inaasahan namin ang inyong patuloy na pakikiisa sa PIDA. Hanggang sa susunod na taon”.
Muli, naging matagumpay ang pagdiriwang, napanatili ang mapayapang selebrasyon hanggang iwanan ng malinis at maayos ng mga boluntaryo ang lugar na naging saksi ng ating pagmamahal sa Inang bayan.
PIDA Officers:
President: Auggie Cruz
Vice-President: Rey Cabral
Secretary: Jun Manila
Treasurer: Ernesto Fonacier
Council of Directors:
Lito Viray
Pia Gonzalez-Abucay
Ariel Lachica
Lito Lopez
Jimmy Ninofranco
Abel Corpuz
Jessie Ramirez
Board of Auditors:
Liza Bueno
Blas Trinidad Jr.
Pye Santos
Committees
Ecumenical Services: Sally Manila
Invitation/Reception: Gupita Oliveros
Publicity: Cris Buenaflor
Raffle: Susan Guieb-Tuazon
Program: Marisa Merquita
Security: Albert Gayo
Sponsorship: Joyce Esteban
Venue: Abelardo Corpuz
Booth & Tiendas: Ruel Sandoval
Food: Arnel Lacosn
Service: Norberto Fabros
Finance: Ernesto Fonacier
ni: PGA
larawan nina: Boyet Abucay
Stefano Romano