in

Ika-123 taong Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas, ipinagdiwang sa Italya

Diwa ng Kalayaan sa Pagkakaisa at Paghilom ng Bayan”

Ipinagdiwang noong nakaraang June 13, 2021 sa Roma ang ika-123 taong anibersaryo ng proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas. 

Sa pangunguna ng Philippine Independence Day Association (PIDA), sa pamamagitan ng bagong presidente nito na si Lito Viray, ay muling makasaysayang naisagawa ang paggunita sa mahalagang Araw ng Kalayaan sa Piazza Manila sa Roma kung saan  matatagpuan ang bantayog ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. 

Sa naturang okasyon ay dumalo at nagbigay ng mensahe ang mga panauhing pandangal na sina Hon. Charlie P. Manangan, ang Change d’ Affaires PH Embassy to the Holy See; Hon. Consul General Nina Cainglet ng PH Embassy to Italy; Pia Gonzalez Abucay, Editor in Chief ng Ako ay Pilipino, ang multi-awarded online newspaper ng Italya; Stefano Lami, retired PH embassy employee, Francis Buangjug, TFOE-PE PEIL Director;  Analisa Bueno, Csc Patronato; Robert Gutierrez GEMPA; Daisy Solomon, Founder ng GPCR-ACIG/ACPPI, Jimmy Niñofranco Head, SPISER; Mayeth Ilao Santos, ang maybahay ng dating PIDA Pres Pye Santos, kasama ang mga kilalang personalidad at Filipino leaders sa Roma na nagbahagi ng kanilang mahalagang oras para sa makabayang selebrasyon.

Sa nasabing lugar ay taunang nag-aalay ng bulaklak ang komunidad bilang unang bahagi ng pagdiriwang ng Kalayaan ngunit sanhi ng pandemya noong nakaraang taon, ang pag-aalay ng bulaklak ay hindi naging posible. At ang muling pagkikita ng komunidad sa mahalagang okasyon ay higit na nagbigay kulay at halaga sa diwa ng pagkakaisa at sabay-sabay na paghilom sa mga sugat na iniwan ng pandemya. Kasabay nito ay nadama ng bawat isa ang mainit na paggunita sa mga kadakilaan at pagmamahal sa ating bayan na iniwang aral at halimbawa ng ating mga bayani upang makamit ang ating kalayaan.  (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Paano magkaroon ng Green Pass?

Green Pass, narito kung paano magkaroon