in

Ika-16 na anibersaryo ng FCSI sa SALERNO, ipinagdiwang

Armand Curameng at Giselle Sanchez , pinasaya ang mga dumalo sa pagdiriwang ng anibersaryo.

Palermo, Hunlyo 6, 2012 – Kahit maiinit ang panahon hindi pa rin napigilan ang padagsa ng maraming tao para masaksihan ang selebrasyon ng ika-16 na taong anibersaryo ng Filipino Community of Salerno Italy noong June 24, 2012 na ginanap sa Pala Senatore ng nasabing siyudad.

Sa unang parte ng programa na dinaluhan hindi lamang ng mga Filipinos mula sa Salerno kundi mula din sa Napoli, Caserta at mga iba pang karatig siyudad ay nagkaroon ng mga palaro na pinangunahan nina Mr. Noel Cayaban at Ms. Rebecca Pabustan at sinundan ng isang misa na sinelebra ni Father Simone Piccolo.

Binuksan ni Mr. Rodolfo Palma, former president ng FCSI, ang program proper na iprinisinta nina Miss Catherine Reyes at Ms. Leni Pagilagan Vallejo.

“Sa loob ng labing anim na taon, naging instrumento ang asosasyon para mapagtibay ang pagsasama ng mga Filipinos sa Salerno”, ayon sa dating president ng FCSI.

Naging panauhing pandangal si Mr. Avelino Gramata, isang Filipino American na  opisyal ng US defense Logistics Agency na nakabase sa Naples.  Ipinahayag niya ang kanyang pagbati sa buong asosasyon lalo na sa presidente nito na si Mr. Villamor Velasco sa kanilang matagumpay na pag- organisa ng mga aktibidad para mapasaya ang mga Filipinos hindi lamang sa Salerno kundi sa mga karatig syudad nito.

Namangha at sumaya ang mga nanood sa ipinakitang kagalingang talento ng mga participants na sina Myriam Songco, FCSI Band, FCSI Kids Manag Biday, Filcom Naples Youth, Hazel Agustin, Maggie Manatan, Nomer Cueto, Patricia Ancheta at Marlani Respicio lalo na interpretative dance na Bayan Ko ng mga ADIMEF Salerno Chapter.

Bukod sa mga pagsayaw at pagkantang ipinalabas ay nagkaroon din ng Filipiniana and Barong Tagalog Parade at Literary Musical Contests. Nanalo sina Emmanuela Jurbina Santos- unang puwesto, Maricar Sison – pangalawang puwesto at Liza Catedrilla kasama ang kanyang dalawang anak na sina Renzel at Shane bilang pangatlo sa Filipiniana and Barong Tagalog Parade . Sa Literary Musical Contests ay pinaunlakan nina Erika Palma, Paolo Lara at Loraine Palma ang unang puwesto pangalawa si Merzel Cueto at pangatlo si Janel Ancheta.

Hindi na napigilan ang saya at hiyaw ng mga tao nang lumabas na ang mga panauhing entertainers na sina Armand Curameng at Giselle Sanchez. Sumabay sa pagsayaw ang mga tao sa mga awitin lalo na ang mga Ilocano songs ni Armand.  Halakhakan naman ang dulot ni Giselle Sanchez. Kuntento ang lahat dahil sa pagtanggap nang dalawa sa lahat ng mga gustong sila’y makadaopang palad. Ipinahayag  ng dalawa ang kanilang tuwa at pasasalamat dahil sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa kanilang pagbisita sa Salerno.

Binigyang diin ni Giselle ang pasasalamat sa mga taong nag sponsor sa kanya lalo na sa mga nag-asikaso tulad nina Mayet Santos at Arlene Cruz lalo na sina Ate Ellen at Kuya Franco, Kuya Abel at Ate Cleofe Gramata.

Ang tagumpay ng programa ay mula sa pamumuno ng aktibong presidente na si Mr. Villamor Velasco. Sa kanyang mensahe inihalintulad niya ang kanilang asosasyon sa ilang linya ng awiting “We Are Family” – “Not only do I have all my sisters with me, but I have lots and lots of brothers too”.  Sinabi niyang hindi matutupad lahat ang kanilang mga adhikain kung walang pagkakaisa at magandang pagsasamahan tulad ng isang pamilya. Dagdag pa niya na siya’y natutuwa at pagpapasalamat dahil ang lahat ang kanyang mga kapwa opisyales at miyembro ay aktibo at maaasahan sa pagtratrabaho at pagtulong para sa katuparan ng lahat ng kanilang mga pangarap.

“My sincerest gratitude to all the officers and members especially to all the people who extended their support for the realization and success of our event. Thanks too to Armand and Giselle for their precious time in making our kababayans happy and fulfilled and special mention to Leni Vallejo and to my loving wife Glenda for their unending support. Congratulations to everyone and mabuhay tayong lahat. Sana tatagal pa ang ating asosasyon ng mas marami pang taon” pagtatapos ni Velasco.

Ang mga opisyales ng asosasyon ay ang mga sumusunod: President – Villamor Velasco; Vice President – Louie Canero;  Secretaries – ArlynCruz and Maricel Dayao; Auditors  – MayetSantos, NoelCayaban, CeciliaMamaril, BoyCagungun;  Treasurer – Lalaine Advincula, Wheng Cabrera; PRO – Charito Palma, Rebecca Pabustan; Business Manager – Amy Palacpac; Coordinators- Daisy Lara, Sabel Paluyo, Liza Catedrilla, Jay Ortega, Gina Esquierra, Carmelita Reyes, Maricel Cayaban, Marissa delos Reyes
Lolita Palma, Teresa Palattao, Josie Palma, Marlanie Respicio, Dally Palma, Maureen Mah, John Arenas, Michael Mah, Rommel Lansangan, Randy Calma, Pj. Palattao, Irwin Sajor, Everly Neo;Advicers- Rodolfo Palma, Edgar Sajor, Loreto Aquino, Marilou Badere,Efren Reyes, Violy Cagungun, Raul Fajardo. (ni Ar. Borromeo Curameng)

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Welga ng public transportation sa Lazio, tuloy bukas

Search for the Happiest Pinoy