in

Ika-2 Taong Anibersaryo ng Guardians International Italy 1st Legion, ipinagdiwang sa Montecatini Terme

Ang tagumpay ng isang samahan ay hindi lamang nakikita sa dami ng bilang ng mga kasapi nito kundi sa mga proyektong produktibo na isinasagawa pati na rin ang binibilang na taon mula sa araw ng pagkakatatag nito.

 

Ang sangay ng Guardians International Italy 1st legion sa Montecatini Terme ay nagdiwang ng pangalawang taon ng pagkakatatag noong ika-3 ng buwan ng Disyembre 2017 sa Oratorio Murialdo na dinaluhan ng mahigit  kumulang sa 150 mga panauhin mula sa iba’t-ibang panig ng Italya.

Ang pagdiriwang ay opisyal na sinimulan ganap na alas-2:30 ng hapon  sa pamamagitan ng Entrance of Colors ng GI, na sinundan ng mga pambansang awit ng Pilipinas at Italya at ng Guardians’ Prayer.  Ang pagbati mula kay Brian “MasterFounder  Eca” Aguilar, presidente ng GI Montecatini  at ng GI Italy 1st Legion National President na si Isagani “Pcgs Planner” Pascual ang naging hudyat ng pagbubukas ng selebrasyon kasunod nito ang ilang intermission numbers ng mga kinatawan ng mga grupo na nagmula pa sa iba’t ibang parte ng  Italya.

Simple ngunit makabuluhang pagdiriwang ang isinagawa ng asosasyon na pinaunlakan ng mga kasapi ng iba’t-ibang organisasyon mula sa mga kalapit na lugar sa rehiyon ng Toscana, Emilia Romagna, at Roma. Kumpleto ang pamilya ng GI Italy 1st Legion na may mga kinatawan mula sa lahat ng chapters ng Roma City Legion, Vatican City Legion, at sa National Legion na ang headquarters ay matatagpuan sa Roma. 

Ang panauhing pandangal sa nasabing pagdiriwang ay si Ms. Pia Eliza Gonzalez-Abucay, Editor-in-chief ng Ako ay Pilipino at Presidente sa Italya ng European Network of Filipino Diaspora o ENFID.  Sa motivational speech ay kanyang ibinahagi ang personal na mga karanasan sa Italya bilang isang OFW. Kasunod ng pagbanggit ng temang sentral ng selebrasyon na “Carrying the torch together” binigyang diin ni Pia ang pagkakaisa at pagsilbing ilaw at magandang halimbawa ng mga kasapi ng Guardians para sa lahat.  Kaugnay naman ng tema ng integrasyon,  kanyang hinikayat ang lahat  na maging responsive at adaptive sa ating komunidad na ginagalawan dito sa bansang Italya. Bilang manggagawa ang mga plipino ay may nakukuhang mga benepisyo ngunit hindi rin dapat makalimutan na ito ay may kakambal din na obligasyon tulad ng pagbabayad ng buwis at pagsuporta sa lahat ng galaw ng pamahalaan ng bansang italya.

Sa kalagitnan ng pagdiriwang ay binigyang parangal ang mga natatanging pilipino na malapit sa puso ng Guardians International. Sa larangan ng pamamahayag at pagsusulat (journalism)  ay si Pia Gonzalez-Abucay at sa field ng Pagkanta naman ay tumanggap ng parangal si Camille Cabaltera mula sa Philippine Consulate-Firenze. Matatandaan na si Camille ay naging tatak ng sambayanang pilipino sa X-Factor Italy  11th Edition ng taong 2017.

Sa pagtatapos ng pagdiriwang ay bumati at nagpasalamat sa lahat ang Ama ng Guardians International Italy 1st Legion na si Diomedes “Pcgs Nazareth” Larido na nagmula pa sa Roma. Ayon sa kanya ang pagkakaisa at pagpapakumbaba lamang ang tanging magbibigkis sa isang samahan. Kung wala ang mga elementong ito ay hindi magtatagal at mabubuwag ang isang asosasyon gaano man karami ang mga kasapi nito. 

Nakakataba din ng puso ang mga salitang binitawan ng mga panauhing italians na sina Gianna Linda Negrini at Alessandro Betti. Ayon sa kanila, sa unang pagkakataon na sila ay dumalo sa isang okasyon ng mga pilipino ay agad nilang nakita ang pagmamagandang loob, pagkakaisa at ang pagiging isang malaking pamilya ng mga ito. 

Nagpapsalamat ang GI Montecatini sa lahat ng nakiisa sa nasabing pagdiriwang: GI Italy 1st Legion National in Rome, GI Italy 1st legion Vatican City, GI Italy 1st legion Rome City, RBGPII Pisa/Firenze,  Scouts Royal Brotherhood- Italy Associazione degli alumni kasama ang kanilang mga  opisyales at moderators na sina President Acer Abu and Vice Pres. Jonathan Pascual , Neph Calanog, at Cenon  Palejon,  CONFED Tuscany (CFCT), sa pamumuno ni Pres. Divina Viaje Capalad, kasama sina Luzviminda Paladin at Loida Lat,  FACES (Filipino Art Culture, and Entertainment Society) Pres. Arceli Samaniego, GSBII Bronzewing Firenze Chapter na pinamunuan ni Edgar “Founder Egay”  Limon, Aguman Kapampangan abe abe saup saup Florence Italy chapter sa pangunguna ni Willy Franco Punzalan at Jon Domingo, Livorno Mommies at Livorno Angel Choir, RGI Alakdan Blue Falcon Montecatini Terme sa pamumuno ni  Elmer “GMF El Torpedo” Alvarez , Montecatini Angels, AS-FIL Roma  Teddy Perez , FAME (Fashionistas, Artists, Models & Events) Management Bologna  JG Guidangen, Pinoys in Pistoia (SFACC)  na pinamumunuan ni Pres. Marlon Rivera Sampang kasama sina Jocelyn Flores Sampang, at Loida Lat. Taospusong pasasalamat din kina Fr.Bernie del Rio at Fr. Edizo Orina sa pagdalo at pagbendisyon sa nasabing pagdiriwang.

 

ni: Quintin Kentz Enciso Cavite Jr.

Photo credits: Christhoper Rada

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Cash salary mula sa July 1, 2018, hindi na pahihintulutan ngunit hindi sakop ang domestic job

Mga dapat malaman tungkol sa Body Mechanics