in

Ika-5 Anibersaryo ng San Nicolanians of Lombardy

“Unity and friendship among the group”

 

Milan, Mayo 8, 2017 – Masaya at matagumpay na ipinagdiwang ang ika-limang taong piyesta ng grupong San Nicolanians of Lombardy sa Milan kasabay ng piyesta ng San  –  – Nicolas Pangasinan.

Ayon kay San Nicolanians of Lombardy president Liza Nagal, hindi lamang umano tiga-Milano ang mga nakisaya sa nasabing piyesta kundi mayroon pang mga grupo na nanggaling sa Bergamo, Monza, at Magenta na nagmistulang grand reunion ng mga tiga San Nicolas, Pangasinan. Maliban dito, dumalo din ang mga kaibigan ng bawat miyembro, kabilang ang mga italyano.

Sa Via Papa Giovanni, Milan ginanap ang piyesta at buong maghapon ang pagdiriwang, kasiyahan, tawanan at kainan.

Nagpakitang gilas ang bawat grupo sa kanilang calisthenics competition at nahati ito sa apat na grupo: ang green, red, white at blue team.

Nagkaroon din ng basketball at volleyball games.

Ang main event naman sa nasabing pagdiriwang ay ang Search for Mr and Mrs San Nicolas of Lombardy 2017. At katulad ng ibang competition, hindi nawala ang sportswear, costume, night gown at talent competition.

Bawat rampa ng mga mister at misis ay hiyawan ang tugon ng kanilang mga supporters.

Samantala, sa panayam ng Ako ay Pilipino sa presidente ng grupo, sinabi ni Nagal na ang layunin ng pagtatag ng grupo ay ang hangaring magkaroon ng pagkakaisa ang bawat tubong San Nicolas, Pangasinan.

Sa kabila ng pagiging tubong Ilocos ay nanawagan din ang asawa ni Yvonne Prado, si Franco Prado na kung mayroong iba pang mga kababayan sa Lombardy o kahit saan bahagi ng Italy na tubong San Nicolas, Pangasinan ay maaring makipag-ugnayan sila sa kanilang facebook page na “San Nicolanians of Lombardy”.

Nagtapos ang masayang piyestahan sa isang pagpupulong ng mga officers kung saan napag-usapan ang nalalapit na sports festival na isasagawa marahil sa buwan ng July at ang camping ng buong grupo na kabilang din sa kanilang summer activities.

Sa kasalukuyan ay mayroong higit isang daan ang mga miyembro ng San Nicolanians of Lombardy.

Mr and Mrs San Nicolanians of Lombardy 2017 :Green Team – Gaetano Imperatore/ Winda Imperatore.
Best in Sportswear : Green Team – Gaetano Imperatore / Winda Imperatore
Best in Talent : Red Team – Mario Cariño / Maritess Cariño
Best in Costume : White Team – Robert Vallejo / Gloria Vallejo
Best in Night Gown : Blue team – May Thos Rodrigo (Glenn Rodrigo)

Calisthenics Competition
WINNER :Green team
1st runner up : Red team
2nd runner up : Blue team
3rd runner up : White team

ni Chet de Castro Valencia
 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinay nabagsakan ng pader, patay

Federfil – Europe, inilunsad