in

Ika-7 Anibersaryo ng GUARDIANS EMIGRANT LEGION Montecatini Terme, ipinagdiwang na kulay “Europa”

Matagumpay na naidaos ang ika-7 anibersaryo ng pagkakatatag ng GUARDIANS Emigrant sa Montecatini Terme, rehiyon ng Toskana noong ika-16 ng oktubre 2022. Ito ay matapos ang mahaba-habang panahon na  hindi nagkasama-sama ang mga  magkakapatid sa balikat dahil sa mga restriksyon ng pandemya. 

Sa pamumuno ng GE Montecatini Lady Guardians president na si Louannie “MF Roann” Pacheco ay naging makasaysayan ang isinagawang pagdiriwang. Ito ay sa kadahilanang sa unang pagkakataon ay nakumpleto ang hanay ng mga emigrant chapters na nakatayo at aktibo sa kontinente  ng europa. 

Dumating ang isang bus ng mga delegasyon mula sa GE Vatican, GE Roma chapter, GE Auxiliary Rome, at ang mga GE National officers. 

Hindi rin nawala ang GE Marseille at ang GE Paris na dinala ng kanilang chairman na si Edward “PCGS ED” Visperas. Samantala, ang GE Legion ng United Kingdom naman na may mga kinatawan mula sa Birmingham, Isle of Wight at Manchester ay nagparamdam ng kanilang malaking suporta sa pangunguna ng GEL Confederation president na si John Arsenio “EGMF ADSE” Venegas.

Mula sa rehiyon ng Toskana ay dumating ang mga chapters ng GE Florence sa pangunguna ng kanilang Director na si MF Renz Ortega, ang GE Pistoia kasama ang kanilang Director na si Julio “SRMG UNO” Lamadrid at ang Presidente na si Jeff “SRMG EIHYVY” Ella.

Bandang alas dos ng hapon nang opisyal na simulan ang pagdiriwang na binuksan Emcee na si Teddy Perez. Ang mahabang snare drum roll ang naging hudyat ng paghahanda para sa mga pambansang awit ng Pilipinas at ng Italya. 

Sa kalagitnaan ng programa ay ang promotion ni Mirasol “Blackangel” Cabaltera mula Founder sa pagiging Master Founder at ni Dennis Cartagena na mula sa SRMG ay naging Founder. Ayon sa National Director na si Isagani “Pcgs Planner” Pascual, ang pagtanggap ng promotion ay laging may kakambal na responsabilidad na nakaatang sa balikat. Isa itong sagradong tawag upang magsilbi at hindi upang gawing palamuti ang markang nakaukit sa kanang kamay. 

Aktibo ang GE sa kawanggawa sa loob ng Italya at maging sa Pilipinas man. May mga scholarship at livelihood programs at tulong sa mga may kapansanan. Patuloy din ang pakikipagugnayan nito sa iba pang mga asosasyon na may parehong vision at mission. 

Ang punong chairman at dating sundalo na si Diomedes “EGMF Nazareth” Larido ay laging nakasuporta sa kanyang mga itinuturing na anak sa hanay na ito ng mga Guardians. Hindi man personal na nakarating ay ipinaabot niya ang kanyang paghanga sa determinasyon at tatag na ipinakita ng chapter na ito mula sa pagkakatatag hanggang sa kasalukuyan.

Dinaluhan ang okasyon ng aabot sa dalawang daang mga panauhin mula sa iba’t-ibang asosasyon ng rehiyon ng Toskana kasama ang CONFED Tuscany at OFW Watch pati na rin ang mga iba pang alyansa at mga organisasyon na kabilang sa Filipino community ng naturang rehiyon.

Sa pagbibigay ng mensahe ng GEL President na si John Arsenio “EGMF Adse” Venegas ay kanyang binigyang diin ang halaga ng pagkakaisa upang maisakatuparan ang mga layunin ng samahan. Mga layuning matagumpay na naisulong nitong nakaraang taon sa gitna ng hagupit ng covid19. 

Nagbigay saya naman sa mga dumalo ang ilang mga intermission numbers tulad ng sayaw at ang bibo at makabuluhang  talumpati ni Severino “PCGS Stallion” Maderazo ng GE RCL. 

Tapos na ang pagdiriwang, ngunit ang mga GUARDIANS ay patuloy na maglilingkod sa mga taong niyakap nila nang tanggapin nila ang misyon na maging magiting at matapat na tagapagtanggol ng bansa at ng lipunan. (Quintin Kentz Cavite Jr.)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

E-Arrival Card para sa lahat ng uuwi at magbabakasyon sa Pilipinas. Ano ito? 

Pinoy seaman, patay sa Ortona