Masayang ipinagdiwang ang ika-7 taong foundation ng Confederation of Ilokano Association Incorporated (CIASI) Italy o “Samahan Ilokano” na kung saan ang Milan ang naging host para sa taon ito.
Ang tema para sa taong ito, “Iti panangipateg, paagtalek, ken panaginnayan-ayat iti tungal maysa, pagdurasenna iti panagkakaddua” o “Ang pagpapahalaga, pagtitiwala at pagmamahal ng bawat isa ay ang pagpapa-unlad ng samahan“.
Dumalo ang iba’t ibang Samahan Ilokano o SI Chapters sa iba’t ibang lugar sa bansang Italy na kinabibilangan ng Bresia, Venezia, Toscana, Rome, Napoli at ang Milan.
Sa pagkakataong ito ay nagkita-kita muli ang mga ito at mga bagong miyembro ng grupo ay nagpakilala sa isa’t isa.
Nagpasalamat si Samahan Ilokano National Chairwoman na si Rhonalyn Estilong sa mga dumalong bisita at ipinakilala ni SI Venice President Harold Anagaran si Arturo Esteban, miyembro ng grupong “Guardians” ang guest speaker sa nasabing asosasyon.
Sa maikling talumpati ni Esteban, binati niya ang buong Samahan Ilokano sa kanilang ika 7 taon anibersaryo sa kanilang patuloy na pagkakaisa sa Italya
“20 years na akong hindi nakapagbigay ng speech tulad ng ganitong selebrasyon at hindi na ako sanay. Pero sa pagimbita sa akin ni Executive Governor Marvin Estilong ay hindi ako makatanggi sa kanyang pag anyaya.” Wika ni Esteban.
Muli niyang pinaalala sa buong samahan ang importansiya ng pagkakaisa at pagiging mapagpasensiya sa isa’t isa maging sa mga non members.
Walang patid ang pagsasagawa ng mga proyekto at pagtulong ang grupo ng Samahan Ilokano Italy sa mga nangangailang sa Pilipinas lalo na’t mga biktima ng anu mang mga sakuna na naranasan ng atin mga kababayan.
Sa kasalukuyang patuloy parin lumalaki ang nasabing grupo sa bansang Italy dahil sa kanilang napakagandang layunin tungo sa magandang kinabukasan ng bawat miyembro nito.
CIASI OFFICERS
Chairwoman – Rhonalyn Estilong
President – Harwin Facun
VP Internal – Jerome Jimenez
VP External – Sherwin Ojano
Sec Gen – Maria Nellida Reyes
Treasurer – Hans Philipp Jose
Chief Recruiting Master – Franklyn Pilien Bernal
Recruiting Master – Glen Leevert Aglia, Mark Jupiter Vallejos
Executive Director – Marvin Estilong
EXECUTIVE COUNCIL ADVISERS
Louie Angco ,
Floro Balbalan,
Allan Jay Rabino,
Neri Bueno,
Noli Agliam
Chet de Castro Valencia