in

Ika-8 taon ng OFW Month Celebration at Paskong-Pinoy: masaya at makulay na idinaos sa Firenze

Sa pangunguna ng Confederation of Filipino Communities in Tuscany o CONFED ay isinagawa ang 8th year OFW Month Celebration and Christmas Party at nagbigay ng parangal sa iba’t ibang asosasyon at indibidwal na nakapagbigay ng mga pangunahing kontribusyon sa iba’t ibang larangan tulad ng isports, agham, musika, sining, at mga gawaing pang social service.

 

Florence, Disyembre 29, 2016 – Taun-taon ipinagdiriwang ang Pasko at naging tradisyon na rin sa ilang mga asosasyon ang magtipon-tipon upang isabuhay ang espirito ng napaka importanteng selebrasyon ng taon. Ang pasko para sa sambayanang pilipino ay masasabing ang pinakamalaki at pinakamasayang pista ng taon. Di kaila sa lahat na ang pagdiriwang na ito ay may mahabang paghahanda laong lalo na sa Pilipinas na sinisimulan na pagtuntong pa lamang ng buwan ng Septyembre. Nakaugalian  na  ng mga Pilipino na ang pasko ay ipagdiwang kasama ang mga kapamilya, sama samang magsasaya at maghaharap harap sa hapag kainan.

Para sa mga pilipino na nasa ibang bansa, ang pagdiriwang na kasama ang mga kapamilya ay mahirap maisakatuparan dahil hindi lahat ay may pagkakataon na makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay na malayo sa kanila. Gayunpaman, ang mga kababayan natin kahit pa nasa labas ng bansa ay hindi nawawalan ng maituturing  na kapamilya, at ang  pamilyang ito ay matatagpuan sa loob ng iba’t ibang asosasyon na kinabibilangan nila. 

Noong ika-11 ng Disyembre, sa pangunguna ng Confederation of Filipino Communities in Tuscany o CONFED sa pangunguna ng butihing presidente na si Ms. Divinia Viaje Capalad ay ipinagdiwang ng mga OFWs sa Firenze ang pasko sa kanilang isinagawang “8th year OFW Month Celebration and Christmas Party” sa Sala Marmi, Parterre, Piazza della Libertà mula alas 2 ng hapon hanggang alas 7 ng gabi. 

Hudyat ng simula ang pagdiriwang ang pagkanta ng Lupang Hinirang at ng Inno di Mameli ni Camille Ann Cabaltera, ang talentadong filipina na kilala na ngayon sa buong italya dahil sa kanyang tagumpay sa larangan ng musika at pagkanta. Sumunod ang  opening prayer at pagbababasbas sa mga dumalo ni Fr.Cris Cielo Crisostomo.

Dumalo sa nasabing selebrasyon ang Honorary Consul General na si Dott. Fabio Fanfani, ang Presidente ng  Quartiere 2  Firenze na si Michele Pierguidi, at si Dott. Franco Biagini. Sa kanilang mga mensahe nabanggit nila na ang mga Pilipino ay natatangi dahil sa abilidad na makiisa sa lugar na ginagalawan para sa mas produktibong integrasyon.

Makulay ang naging daloy ng programa dahil na rin sa husay ng mga emcees na sina Willy Punzalan, Precy Tejero, Tess Abrigo at Leo Pinon. 

Ang CONFED in Tuscany ay nagbigay ng parangal sa loob ng nasabing selebrasyon sa iba’t ibang asosasyon at indibidwal na nakapagbigay ng mga pangunahing kontribusyon sa iba’t ibang larangan tulad ng isports, agham, musika, sining, at mga gawaing pang social service. Dahil sa mga katangi-tanging mga kababayan nating ito, naiaangat nila ang imahen ng mga pilipino sa bansang italya. Ang gawad parangal  na ito ay isa lamang patunay na ang pagkawang-gawa ay di nakakalimutan at sa tamang panahon ay kinikilala at binibigyang halaga. Si Consul Fabio Fanfani ang nagabot ng mga parangal sa  mga Outstanding Awardess. 

For humanitarian aid and support in Italy and in the Philippines:

1.) Guardians International (GI)  Montecatini Terme Italy Legion

2.) OFW Watch Tuscany 

For preservation of culture, arts and traditions 

3.) Filipino Catholic Community of San Barnaba 

4.) Santo Rosario Firenze 

5.) Sant’Andrea Sentro Katoliko Empoli, 

6.) Rev.Fr.Cris Cielo Crisostomo

7.) Assemblea di Dio Missioni Evangelica Firenze 

Pinoy pride of Tuscany

8.)Winner of Mr. Republika 2016 Top Model – Emil Anglo 

9.) Look of the year – Raizen del Valle 

10.) Outstanding dental technician employee – Pablito Sumadsad

11.) Hotel management employee – Richard Roman

Recognition Awards for Private Individuals, Associations and Leaders for their considerable supports, exemplary deeds and community services

1.) Jhun Macatangay

2.) Alfredo Gumangan

3.) Nehbol Alcantara

4.) Ricafort Lanuza

5.) Adelfa Punzalan

6.) Wilfredo Punzalan

7.) Alicia Penuliar

8.) Marlon Lapitan

9.) Corazon Hernandez

10.) Rosie Reyes

11.) Jessie Lagrana

12.) Froilan Rivera

13.) Honorio Mauricio

14.) Jimmy Esteba

15.) Henry James Ramos

16.) Teresita Jimenea

17.) Shirley Francisco

18.) Jovita Lontok

19.) Teresa Severino

20.) Linda Montemayor

21.) Edwin Pardo

22.) Teresita Quinto Rivera

23.) Imelda Agustin

24) Alvin Viray

Acknowledgement of  participating Associations, Religious and Civic groups and Filipino Entrepreneurs

1. Filipino Indipendenza group

2. Scouts Royale Brotherhood Firenze

3. Alpha Phi Omega Firenze

4. Tau Gamma Phi Firenze

5. Guardians International Montecatini

6. OFW Watch Tuscany

7. San Barnaba Filipino Catholic Community

8. Sant’ Andrea Sentro Katoliko Empoli

9. Santo Rosario Family Firenze

10. Pentecostal Missionary Firenze

11. Assemblea di Dio Missioni Evangelica Firenze

12. Aguman Kapampangan group

13 Filipino Golden Group

14 Filipino Nurses Association in Tuscany

15 Saranay Association Firenze

16.Timpuyog Association

17.Filipino Socio-Culturale and Sports

18. Filipino Community Empoli

19. United Filipino Empoli

20. Associazione Immigrati Filippine Impruneta

21. Pilipino Italo Natl Organizzation Arezzo

19.Guardians Elite

20 Guardians Philippines Intl incorp. Iec Red Eagle

21. Guardians Philippines Intl Inc.- RAM

22 Guardians Bronze Wings

23. Guardians Brotherhood Intl True Blu Blooded

24.Filipino Bikers group Firenze

25.Litrato Klub

26. Comunita Filippina di Pisa

27. One Coin Firenze

28. Nworld

29.Globe Europe

30. CBN/BDO Firenze

31. PNB-Atlas Firenze

32. Filipino Asian market

33. Jesus Loves You

34. Jesus is Lord

35. Filippini immigrati Toscana

Taos pusong pasasalamat ng lahat sa Organizing Committee: CFCT President Divinia Capalad Tess Salamero, Amy and Floyd Bayongan, Ponciano Penuliar, Jr., Luz Paladin and Roland Reynon.

 

ni Quintin Kentz Cavite Jr.

Photo credits: Nehbol Alcantara, Percy Palejon

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Atty. Paul Sombilla, ang unang-unang Abugadong Pilipino sa Italya

Multa mula 25 hanggang 500 euros sa sinumang gagamit ng paputok ngayong Bagong taon sa Roma