Nagkasama-sama ang ibat-ibang grupo ng Tau Gamma Phi/Sigma Triskelion International dito sa Italya sa selebrasyon ng ikalawang anibersaryo ng pagkatatag ng Firenze Chapter.
Firenze, Nob. 25, 2012 – Ang Triskelion United Italy Council ay binubuo ng Como Chapter sa pangunguna ni GT Kenneth Clanor, Milano Chapter– GT Rommel Sigue, Triveneto Affuri Chapter- GT Marvin Aguilar, Padova Chapter at Firenze Chapter sa pangunguna nila GT Chito Pamis (1978 Lucban Chapter) at DGT Rolan Bonoan (1990 Laguna Chapter).
Ginanap ang selebrasyon noong Nobembre 10, 2012 sa Via Luciano Manarra, Circollo 12, Firenze. Nagsimula ang selebrasyon sa Triskelion Prayer mula kay Brod. Allan Riva at Triskelion Song mula kina GT Chito Pamis at DGT Rolan Bonoan at isang napakagandang Word of God mula kay Pastor Bong Alviar ng JIL.
Dumalo ang mga nurses mula sa Filipino Nurses Assn. of Tuscany (FNAT), ang grupo ng Litrato Klub Firenze, Triskelion Chairman Tata Dottilios, Vice Chairman Chito Silva at Brod. Rexon Montecilia sa okasyon ito.
Naitatag ang Firenze Chapter sa mahusay na pamumuno nila GT Chito Pamis at Rolan Bonoan sa pakikipagtulungan ng United Italy Council, kasama ang mga miyembro na sina MI Michael Gonzales, MI Richard “Yetzkie” Apuro, Sec. John Gener Aquino, Admin. Jerwin Hilaga, Tres. Glenn Dimaano, Auditor Allan Riva, Adv. Romel Mangubos at Mem. Daniel Saculsan.
“Itinatag namin ang aming grupo upang magkaisa, magtulungan at tumulong sa kapwa, lalo na sa ating mga kababayan nasasalanta ng mga kalaminad sa Pilipinas, “Live and Let Live” ayon kay GT Chito Pamis”.
Sa ngayon mayroon ng mahigit isang libo ang miyembro ng Tau Gamma Phi/Sigma Triskelion sa boung Italya.
Sa mga nais sumapi sa kapatiran na nangangailangan ng pisikal at mental na disiplina sa sarili, maging ang respeto sa kapwa, makipag ugnayan lamang kina Chito Pamis 3899120482 at Rolan Bonoan 3273484676. (ni: Argie Gabay)