Roma – Naging muling matagumpay ang isinagawang ikalawang Filipino Food Fair ng Umangat-Migrante noong nakaraang ika-5 ng Oktubre 2014 sa tanggapan nito sa Via Giollitti Rome Italy. Tinatayang humigit kumulang sa 250 katao ang dumalo at nakiisa sa nasabing aktibidad at halos umabot hanggang sa labas ng tanggapan ang pila ng mga sumuportang kababayan.
Batay sa pahayag ni Rowena Flores Caraig Chairwoman ng Umangat-Migrante inaasahan na ang posibilidad ng mas maraming dumalo at sumuporta kaysa sa naunang FFF noong nakaraang taon dahil na rin sa naipaliwanag at naipakita ng organisasyon ng UMangat sa mga kababayan sa Roma ang naging malaking tulong ng aktibidad na ito sa mga naging biktima ng super bagyong Yolanda sa pamamagitan ng isinagawang Relief operation thru sagip migrante ng Migrante International na siyang beneficiary ng nasabing aktibidad noong nakaraang taon.
Dagdag pa ng Head ng komite sa Kababaihan ng Umangat-Migrante na si Virgie Ilagan Reyes isa ring salik kung bakit naging matagumpay ang nasabing aktibidad ay dahil sa malaking tiwala at suporta ng mga Sponsors, na nagbigay ng donasyon ng mga ibat-ibang tipo ng pagkaing Pilipino, sa layunin na maipakita ang husay at galing ng mga Pilipino sa larangan ng pagluluto at maipamalas sa iba pang mga kapwa migrante hindi lamang sa kapwa Pilipino kung hindi sa iba ring lahi ang mga katutubong pagkaing Pilipino.
Sinimulan ang aktibidad sa pamamagitan ng pag-bebendisyon ng pagkain at kaunting programa at pagpapalabas ng video ng isinagawang releief operation sa pamamagitan ng Sagip migrante. Nag-handog din ng awitin ang mga kilalang banda sa Roma sa nasabing okasyon at nagkaroon din ng media coverage. Sa pagatatapos ay ipinamahagi ang mga ceritificate of appreciation para sa lahat ng sponsors bilang pagkilala sa kanilang ambag para sa nasabing aktibidad.
Ipina-aaabot ng Umangat-Migrante ang lubos na papasalamat sa lahat ng mga tumulong, sumoporta at dumalo sa ginanap na Filipino Food Fair.
Mabuhay ang mga Migranteng Pilipino!
(Umangat-Migrante)
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]