in

Illegal possession of fire arms, 1 Pinoy kabilang sa 6 na inaresto

Roma, Setyember 14, 2012 – Anim na katao ang inaresto, 25 naman ang mga nireport sa loob ng 600 controls kung saan150 nito ay sa loob mismo ng mga sasakyan at tahanan. 35 shotguns at 5 baril, mga cartridge ng iba't ibang calibers at isang granada sa isang malawakang operasyon na isinasagawa ng pulisya sa Roma at mga lalawigan nito upang matiyak ang wastong pag-iingat at pagtatabi sa mga armas, pati na rin ang ilegal na pagdadala nito.

Sa pagsasagawa ng mga control sa kalsada, noong nakaraang gabi, ang Mobile Police sa Roma ay inaresto ang isang Pilipino, 32 taong gulang na may dalang armas sa loob ng kanyang van. Anim na bala na 38 cal, na walang permit at iligal na dala ng Pilipino.

Umabot sa 27 ang mga iniulat ng awtoridad, mula sa illegal possession of fire arms hanggang sa hindi pagtupad sa mga alituntunin sa pag-iingat ng mga mayroong permit na armas upang maiwasan ang pagnanakaw dito at hindi wastong paggamit ng ilang miyembro ng pamilyang naninirahan kasama ng mga ito.

Ang malawak na operasyon, sa buong lalawigan sa bahagi ng timog-silangan ng kabisera, hanggang sa Nettuno, Pomezia, Castelli Romani, Prenestina, Tiburtina ng hangganan sa Frosinone at Aquila, ang tinutukan sa nasabing operasyon.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

US Ambassador, pinaslang

Bagong species ng insekto, natuklasan sa Pilipinas