in

Imbestigasyon sa pagkamatay ni Marcus, sinimulan na

Roma – Agosto 6, 2012 – Sa kabila ng mahapding pangyayaring pinagdadaanan ng isang ina, ay patuloy pa rin sa pakikibaka at paghahanap ng katarungan sa pagkamatay ng anak na si Marcus Johannes de Vega. Bagaman masakit balikan ang mga pangyayari, si Jacquiline de Vega, ang ina ni Marcus, ay sumalang sa dalawang oras na interrogation sa haparan ng Prosecutor na si Leonardo Frisani noong nakaraang July 30 upang pakinggan ang kanyang bersyon ng mga pangyayari.

Samantala, sumalang din ang ilang suspect sa nasabing interrogation: ang duktor na si Sabrina Palamides, na sumailalim sa 2 oras na interrogation. Sinabi ng suspect na wala ito sa ospital ng maganap ang pagkakapalit ng suwero maging noong mamatay ang sanggol, at bingiyang diin pa nito na ginawa ang lahat upang masagip ang buhay ng sanggol. Ayon pa sa duktor ay hindi rin kahit kailan nakausap ang ina ng biktima. Sa madaling salita ang suspect ay tumatanggi sa anumang akusasyon laban sa kanya at hiniling ni Atty. Scalise na tanggalin ang duktor sa kaso.

Sumailalim din sa interrogation (Aug 2) ang Head nurse na si Andrea Ciani, may obligasyon sa schedule ng mga nurses, ang duktor na si Maria Rita Chiusuri at ang kasamahang duktor na si Marco Chinca na sya diumanong unang nakaalam ng pagkakapalit sa suwero ni Marcus at unang nagsulat nito sa medical records ng sanggol. Si Chiusuri, ayon sa kanyang salaysay, ang diumano’y sumubaybay sa sanggol ng isang oras lamang noong June 28, isang araw bago tuluyang nawalan ng hininga ang bata. Sa madaling salita, matapos ang limang oras na interrogation ay pinalalabas ng mga suspects na tila respiratory difficulties na sanhi ng pagiging premature nito ang dahilan ng pagkamatay ng sanggol at tila ang kundisyon ng sanggol ay sadya ng malubha, kahit pa walang naganap na pagkakapalit ng suwero nito.

Ito ang kasalukuyang sinusuri at malalaman sa paglabas ng risulta ng autopsy kung saan  hiniling ng korte na alamin kung ang pagkakapalit ba ng suwero ang sanhi ng kamatayan o matapos ang pagkakapalit ng suwero ay naging tama ba ang naging therapy ng sanggol upang ito ay mailigtas.

Alas 6 ng hapon ng June 27, ayon pa kay Chinca, ay regular ang kundisyon ng sanggol. Ngunit makalipas diumano ang isang oras ay nilapitan ng isang nurse at sinabi ang ukol sa respiratory deficiency nito at marahil ay nagkaroon ng pagkakapalit ng suwero bandang  ala una hanggang alas tres ng tanghali. “Mabilis akong kumilos at inabisuhan ang Primario”, pagpapatuloy pa nito. Naghintay pa diumano ang duktor sa sinumang magpapatuloy ng therapy hanggang gabi at kinabukasan nga ay ginawa ang cerebral ultrasound sa simula at pagkatapos ng schedule nito at walang nakitang anumang pagbabago sa kundisyon ng bata. Ngunit bandang  7,30 ng June 28 ay naging kritikal ang kundisyon ng sanggol na naging sanhi ng pagkamatay nito ng madaling araw ng June 29. 

Lahat ng ito ay sinabi diumano ni Chinca sa nagpakilalang employer na Italyana ng ina ng sanggol. Bagay na mabilis na itinaggi ni Jacquiline at ng employer nito na si Francesca Cascino na sasailalim sa interrogation ng Prosecutor bukas Aug 7.  

Ang nurse na pinangalanang Roberta na nagkamali at napagpalit ang dalawang suwero ay sasailalim sa interrogation bandang kalahatian ng Agosto. Ang risulta naman ng autopsy ay inaasahang handa na sa susunod na linngo. 

Samantala, si Jacquiline ay kasalukyang inaasikaso ang repatriation ng salma ni Marcus. Inaasahan ng naulilang ina ang pagkakaroon ng banal na misa bago tuluyang ipauwi ang bangkay ng anak sa Pilipinas.  “Thank God for the people who constantly watch over us and truly care. Their love, guidance, and support are unending and for that I am truly blessed to know them”, mga salitang isinulat ni Jacquiline sa pagmamahal na nadarama sa panahon ng pagdadalamhati. “Ako ay lubos pusong nagpapasalamat sa assistance na binigay ng Philippine Embassy of Rome para mapauwi si Marcus sa Pilipinas. Sa pangunguna ni Vice Consul Jarie at coordination ni Pia G., Marcus' repatriation will never happen. Again, maraming salamat po”, pagtatapos pa ni Jacquiline sa panayam ng akoaypilipino.eu

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Human at economic resources, kinakailangan para sa mabisang pagpapatupad ng Regularization – Siulp

Pinoy, kusang loob na sumuko