in

Immigration Policies and Programs for Returning Migrants, tinalakay sa PCG MIlan

Isang forum na may kinalaman sa Immigration Policies at Programs para sa mga returning migrants ang isinagawa sa Philiippine Consulate General in Milan na kung saan dumalo ang mga leaders ng filcom at iba pang mga kababayan natin mula sa karatig rehiyon ng Milan.

Ang nasabing forum ay inorganisa ni Vice Consul Awee Dacanay at ni Cosimo Palazzo at ilan pa sa mga kasamahan sa International Organization for Migration o IOM,

Tinalakay sa nasabing forum ang ayuda ng kanilang organisasyon sa mga dayuhan na kasalukuyang naghahanap buhay sa Italya partikular ang mga tinatawag na prutas ng family reunification process. Ito ay karapatan ng isang dayuhang manggagawa na may kaukulang requirements at mga dokumento partikular na ang  permit to stay, na makasama ang buong pamilya sa Italya at manatiling magkakalapit sa isa’t isa.

The IOM has been a partner of the Philippine Government for many years. Alam po natin kung saan ang pinakamaraming filipino migrants, nandiyan ang IOM, marami silang natulungan sa atin, thousands of filipinos caught in conflict, difficult situations na nairerepatriate sila.” Wika ni PCG Milan ConGen Irene Susan Natividad.

Base sa datos ng IOM partikular sa Milan, ay umaabot ng 1,380,873 ang bilang ng mga residente at 266,862 ang bilang ng mga dayuhan na kung saan ang mga pinoy ang may pinakamalaking bilang.

We do have one-stop-shop and give information to people from abroad on how to live in Milan, learn the Italian language, how to find a job and how to find the right school for thier children, we help them for the family reunification procedure, and we also need to understand the needs of the filipino people.”Ani IOM Director Cosimo Palazzo.

Mayroon din itinalagang mga shelters para sa mga distressed foreigners at habang sila ay pansamantalang nakatira doon ay inaasikaso ng IOM ang kanilang repatraition at sa tulong na rin ng embahada ng bawat dayuhan.

Pagkatapos tinalakay ng mga resource speakers ang kanilang layunin ay ilan sa mga OFW ang nagtanong, tulad ni Mike Montemayor, sa kanyang concern sa mga kababayan natin na mga walang dokumento at ang dahilan kung bakit sila ay nasa ibayong dagat at kung papaano matutulungan ng IOM ang mga ito.

Ang hinahighlight ko dito kung ano yong matinding problema, and then since nasa Comune sila they(IOM) are in the part of the authority, so sa tingin natin ay puwede natin ipabatid sa kanila ito para mabigyan ng karampatang aksiyon, dahil vulnerable sila na dapat sana binanggit nila ang minimum at maximum measures kung papaano masuportahan ang mga kababayan natin walang mga dokumento.” Ani Mike Montemayor.

Samantala sa mga kababayan natin na sangkot sa iba’t ibang krimen at nakakulong dito at nakatakdang pauwiin ay hindi na maaring kasuhan pa sa country of origin ang kasong ginawa nito sa kanyang bansang pinanggalingan.

“Kung dito nagawa yong offense dito sila kinasuhan, under sila sa batas ng Italia,.” tugon ni PCG Milan Consul Manuel Mellejor.

Dagdag pa ng Consul na sakaling ma repatriate o payagan pauwiin ng Italian Government  ang isang indibiduwal dahil sa kasong kinasasangkutan nito. Ay mawawalan na ito ng bisa pagdating sa kanyang country of origin, bagkus ay kung mayroon magrereklamo laban sa nagkasala ay maaring mabuksan ito at magkakaroon ng mga hearing sa korte.

Nagpapasalamat ang IOM Director sa mga pinoy dahil sa kanilang magandang serbisyo sa mga Italiano.

Chet de Castro Valencia

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

GUARDIANS Emigrant (GE) Montecatini, kinatawan ng Filipino community sa “Marcia Armonia for Peace 2018”

Decreto Salvini, aprubado sa Senado!