in

Impeksyon, dahilan ng pagkamatay ng sanggol sa San Giovanni

Ayon sa naging risulta ng autopsy na ginawa noong July 10: ang gatas ng ina ay mayroong halong gatas ng hayop na mataas ang tinataglay na protein na naging sanhi ng pagkakaroon ng bacteria. Ang ex-director De Carolis, ay nag celebrate at sinabing “Wala naman pala tayong kinalaman”.

Rome, Hulyo 27, 2012 – Namatay dahil sa impeksyon. Ito ay ayon sa unang autopsy na ginawa noong July 10 sa Policlinico Tor Vergata. Ayon sa ilang duktor ng nasabing ospital ay naging dahilan ng pagdiriwang ni De Carolis.

Ngunit ang autopsy ay hindi isinasantabi ang naging dahilan ng trahedya, na ang pagkakamali ang naging dahilan: sa katunayan, ang gatas ng ina na mayroong kahalong gatas ng hayop na nagtataglay ng protein ang naging sanhi ng bacteria. Ang sanggol, ay nanatiling naka dextrose ng higit sa apat na oras, mula alas 3 hanggang alas 5.30 at itinigil lamang matapos maubos ang liquid.

Kaninang umaga, kasama ng medico legal na si Saverio Potenza at 18 consultants ay ginawang muli ang ikalawang autopsy, at para sa mga duktor ng San Giovanni ay magiging hindi kapani-paniwala ang magiging resulta nito. Ang bangkay, sa katunayan, ay hinatid sa huling hantungan sa Prima Porta noong July 3 para sa creamation. Ito ay pinigilan at simula noong araw na iyon ay nanatiling nasa kabaong na mayroong room temperature, at ilang araw pa lamang naililipat sa frozen cell at dahil sa init ng panahon ay maaaring ang bangkay ay dumadaan na sa decomposition na magiging hadlang upang matuklasan ang tunay na ikinamatay. Sa kawalan ng mga risultang ito, ang imbestigasyon ukol sa pagkakabaligtad ay mapupunta na lamang sa hangin na magbibigay ng kalabuan sa isinampang kaso ng manslaughter at mananatili na lamang ang falsification of public documents base sa mga pagbubura sa medical records.

Ano nga kaya ang naging tunay na dahilan ng pagkamatay ng sanggol? At ang ibinigay na therapy sa loob ng dalawang araw ay nakatulong ba o hindi upang ang sanggol ay mailigtas? Mga katanungang ibinigay ng mga nag-iimbestiga mula Procura di Roma sa pangunguna ni Leonardo Frisani  kay Saverio Potenza,  kasama ang histologist na si Ugo di Tondo. Sa ikalawang pagkakataon ay sasailalim sa autopsy: at sa pagkakataong ito ay maaaring matunghayan  ito ng mga expert witness (perito) ng mga suspects at si Enrico Marinelli para naman sa ina ni Marcus na si Jacquiline de Vega. Ayon sa mga report, sa lunes ay maaaring humarap rin si Jacquiiline De Vega sa Procura di Roma. Nais marinig mismo mula sa ina ng biktima kung ano ang mga binitawang salita ng mga duktor bago at matapos pumanaw ang sanggol. Kahapon, ang abugado ni Jacqiuline, si Danilo Granito ay sinabing  “Natural death ang sinabing dahilan ng mga duktor na ikinamatay ng sanggol . Sinabihan din sya ng komplikasyon sanhi ng respiratory deficiency.”

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Team Philippines, ika-146 na paparada

Ambassador Reyes nakipagpulong sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa Cagliari