“Improving oneself has no time, age nor boundaries”. Ito ang tema ng matagumpay na pagtatapos ng kursong Pre-Ospedaliera ng 28 mga Pilipino sa Roma hatid ng IParamedici.
Anuman ang propesyon, bokasyon o ambisyon ay mahalaga para sa mga Pilipino ang patuloy na pag-aaral, partikular para sa ating mga Ofw.
Mayroong mga nagtapos na ay patuloy pa rin sa pag-aaral sa pamamagitan ng mga formation courses upang magkaroon ng dagdag na kaalaman at higit na karanasan. Ika nga ng ating mga magulang, ang kaalaman ay isang pamana o yaman na walang ibang makakaagaw na kahit na sino.
Isang halimbawa na dito ang ating mga kababayan na nagtapos ng kurso sa IPARAMEDICI ng Competenze di Base di Cura per Assistenza Pre-Ospedaliera sa Roma.
Dalawampu’t walong mga mag-aaral ang bumubuo sa dalawang grupo ng Batch 13 – Mike na pinangunahan nina Dindo Malanyaon, Presidente – Istruttore, OSS ASL RM G. LAZIO at Dott.ssa Pia Dambra, Direttore Scientifico del Corso, Formatore Regionale and Medico Chirurgo, ang matagumpay na nagtapos ng kurso noong nakaraang Abril.
Panauhing pangdangal ang Kagalang-galang na si Ambassador Domingo Nolasco at ang kanyang maybahay na si Ginang Edel Mae Prado Patugan.
Isang magandang partisipasyon ng mga napiling studyante para magbigay ng kanilang inspirational messages. Ilan sa kanila sina Rodrigo Sudara, Robin Jardin, Ma. Christina Tenorio, Ma. Angelica Arciaga, Rowena Lucas, Precious Sobrevilla, Maria Judea Rocesvalles at Cecille Pagaoa.
Hindi maipaliwanag ang ligaya sa mga ngiti ng bawat graduates. Matagumpay ang naturang pagtatapos na ito. Makabuluhan at nagtanim ng inspirasyon sa lahat.
Ayon nga sa tema nito “Improving oneself has no time, age nor bounderies”.
Naghatid ng kulay sa nasabing graduation ceremony ang mga emcee na sina Lucito Vergara and Emmanuel Defensor.
Sinundan ito ng masaganang pagsasalu-salo ng lahat, kasama ang kanilang mga panauhin at mga nakipagbunyi sa mga nagtapos na mga kamag-anak at mga kaibigan tulad ng nakagawian natin sa ating bayang sinilangan.
Muli ang pagbati sa lahat ng nagtapos. Congratulations Graduates!
Norie Ignaco