in

Induction Ceremony ng AGUMAN Firenze, gaganapin

Saup saup abe abe
 
Florence, Septiyembre 17, 2014 – Isang paanyaya sa gaganaping Induction Ceremony ng AGUMAN KAPAMPANGAN FIRENZE CHAPTER sa darating na linggo, Septembre 21, sa Circolo Arci, due strade, Via Senese 129, Florence. 
 
 
Pangunahing layunin ng AGUMAN ang magka-kila-kilala ang mga Kapampangan, ang may dugung kapampangan, at maging ang naka-pangasawa ng Kapampangan sa Florence.  At tulad ng kanilang kasabihan Saup saup abe abe, upang sila ay sama-samang magtulungan hindi lamang sa mga magagandang proyekto para kanilang lugar bagkus ay sama-sama ring magtulungan sa oras ng pangangailangan.

 
Ayon kay Wilfredo Punzalan, ang grand founder at adviser ng nasabing samahan, layunin nila ang magbigay ng scholarship sa mga kabataan sa Dalayap Elemtary School na matatagpuan sa Macabebe Pampanga, sa pamamagitan ng TAMPSI, isang children care foundation na itinatag ni Elmer Clemente. 
 
Bukod dito, “In case of emergency, ang sister, brother, parents o anak ng member ay mabilis na tutulungang makauwi ng Pilipinas dala ang 1k euro mula sa Aguman”, dagdga pa ni Punzalan. 
 
“And of course, masarap ang lutu ng Kapampangan! Upang ito maituro at maipamana sa mga batang Kapampangan na isinilang sa Italya”,  masayang pagtatapos ng adviser ng grupo lakip ang paniniwala sa isang matagumpay na pagpapatuloy ng grupo. 
 
Kasalukuyang nasa 130 ang aktibong miyembro ng Aguman at bawat isa ay kusang-loob na nagbigay ng 10 € membership fee. 
 
Grand Founder- Wilfredo Punzalan
 
President – Jesus Liwanag
Vice President – Adelfa Garcia
Vice President – Romeo Yco
Secretary – Rowena Hipolito Basallo
Assistant Secretary – Edna Dizon Pasamonte
Tresurer – Felicitas Lagman Sunglao
Assistant Tresurer – Lorna Santos Garcia
 
Advisers:
Wilfredo Punzalan
Bonifacio Garcia
Dennis Lagman
Ronaldo Hipolito
Virginia Domingo
Reynaldo Rivera
Richard Garcia
Teresita Quinto Rivera 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

CONGEN MEETS LOMBARDY DIRECTOR GENERAL OF ITALIAN SOCIAL SECURITY

Dalla strada alla Zecca di Stato – la storia di Alessandro