in

Insurance, kailangan ba ng OFW?

Sa darating na ika -5 ng Hulyo taong kasalukuyan sa oras ng ika 3 ng hapon Rome time, magaganap ang ikatlong bahagi ng webinar series:  na pinamagatang Protecting Wealth through Insurance na inilunsad ng Overseas Filipinos’ Society for the Promotion of Economic Security(OFSPES)at Ateneo Alumni Association – Leadership and Social Entrepreneurship Rome, Naples & Florence (AAA-LSE RNF) dito sa Roma kaakibat ang National Confederation of Cooperatives (NATCCO)na naka base sa Pilipinas.

Ang libreng webinar series  na ito ay binuo upang lumawak ang kaalaman ng mga manggagawang Pilipino sa Italya at maging sa buong Europa tungkol sa nagagawang benepisyo at tulong  ng isang kooperatiba sa ating sarili, sa kapwa, komunidad, at maging sa pag unlad ng ating bansa. Bahagi ng serye ng webinar na ito ang ukol sa insurance. Ang webinar ay magaganap online via ZOOM. 

May popular na kasabihan ang mga Pinoy na laging nasa huli ang pagsisisi, lalong lalo na sa mga pagkakataon na hindi pinaghahandaan tulad ng pagkakasakit, pagreretiro o pagkawala ng mahal sa buhay ganun din ang pagdating ng mga kalamidad, aksidente at trahedya. Paano nga ba natin pwedeng protektahan ang ating sarili at ang mahal natin sa buhay? Makakatulong ba dito ang pagkuha ng insurance?

Sinasabing ang  insurance ay isang produkto na nagbibigay proteksyon sa atin at may iba’t ibang klase nito na naaangkop sa bawat pangangailangan ng isang tao. Ang tipikal na klase ng insurance na kailangan ng isang tao ay anglife at health insurance na maaring makatulong upang maiwasan ang problemang pinansyal kapag sumakabilang buhay na o nagkasakit.  Naniniwala ang Pilipinas – OFSPES, AAALSE RNF at NATCCO na mahalaga ang pagkakaroon ng karagdagang kaalaman ang mga OFW ukol sa ibat-ibang produktong pinansyal upang  matulungan sila sa pagpapalago ng kanilang sarili at ganun din sa kanilang pamilya. Ang insuranceay isa sa mga produktong pinansyal na kalimitang hindi nabibigyan ng konsiderasyon. Bukod dito, ang insurance  ay maaring isa sa mga elemento na maari nating ikonsidera upang matamo natin ang financial freedom  na isa sa mga isinusulong ng mga bumubuo ng programang ito.

Para makasama at magkaroon ng posibilidad na makipagtalakayan sa ating Guest Cooperative ay inaanyayahan namin kayong magparehistro gamit ang sumunod na link: https://bit.ly/Coop050720

Magkita-kita po tayong lahat sa online eventna ito at sama-samang matuto kung paano natin magagawang kumita at makatulong sa ating komunidad.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

EU, nagbubukas sa 15 non-EU countries – Italya, hindi pa

caregivers

Swab test, libre para sa mga caregivers sa Veneto region