“Ang goal ko ay mag-meet ang bawat filipino organizations dito sa Italy” – NLO President
Milan, Mayo 9, 2017 – Nagtipun-tipon ang mga bowling enthusiast kamakailan sa Via Cavezalli, Padova, Milan para sa isang inter-organization bowling tournament na inorganisa ni Northern Luzon Organization President Monching Cruz, kasama sina Efren Montillana, Roselle Tan Manabat, Roberto Alday, Samson Ramos, Maurencio Silang Asilo na pawang mga sumusuporta sa adbokasiya ng grupong NLO.
Ito aniya ang ikatlong edisyon ng kanilang competition sa loob lamang ng isang taon, ayon kay Cruz.
Dumalo ang iba’t ibang organisasyon na kinabibilangan ng Northern Luzon Organization, San Tomaso, Missionary of Mother Mary of the Poor, Mindoro Tamaraw Overseas Association,Team A&B, Community Investigative Support Milan, Ram Guardians Incorporated Alakdan.
Layunin ni Cruz sa pag-oorganisa ng ganitong patimpalak ay ang magkaroon ng pagkakaisa, halintulad na rin sa mga pakay ng iba pang mga filcom groups na nagsasagawa ng mga events sa Milan.
Maliban sa pagkakaisa at makilala ang mga organisasyon hindi lamang sa Milan kundi sa buong bansa ay sinusuportahan din ng NLO ang mga proyekto ng ibang grupo sa pamamagitan ng pagsasagawa ng fund raising at iba pa.
Ang kinita ng nasabing tournament ay mapupunta sa proyekto ng Missionary of Mother Mary of the Poor kung saan sila ay magpapadala ng mga goods at mga kagamitan na maari pang pakinabangan ng isang orphanage foundation sa Pilipinas.
Sa unang edisyon ng kanilang event, ay nagbigay ang grupo ng NLO ng konting halaga o abuloy para sa isang miyembro nilang namatayan at ang ikalawang edisyon ay inambag nila ang kinita ng event sa proyekto ng grupong Samahang Portinaio para sa mga biktima na sinalanta ng bagyo sa Pilipinas.
Sinabi pa ni Cruz na magkakaroon ng Inter-city bowling tournament na kung saan pipili ito ng apat na organisasyon dito sa Milan na siyang magre-represent ng Milan team. Maaaring maging katunggali nila ay ang mga grupo mula sa Rome, Torino, Como, Venezia at ilan pang mga siyudad at probinsiya sa bansang Italya na nais lumahok sa nasabing paligsahan.
Samantala, mayroon mahigit 30 miyembro na ang Northern Luzon Organization at ang bawat miyembro nito ay kasapi din sa iba’t ibang grupo; tulad ni Cruz na kasapi sa Samahan Portinaio at Alakadan Guardians.
“Kung sinuman sa mga kababayan natin na gustong sumali sa NLO, dapat mayroon siyang 2 beneficiaries, kung sakaling mangangailangan ng tulong ang isang miyembro ay mag-aambag ambag kami ng konting halaga”, wika ni Cruz.
Sa darating na Hunyo ng taon kasalukuyan ay tutulak ito patungong Belgium para sa isang pageant na kanyang inorganisa.
Overall Champion:
San Tomaso 2102 pts
2nd place : Mindoro 1959 pts
3rd place : MMMP 1901pts
4th place : Alakdan Guardians 1600 pts
Mens division
Highest pointer : Jonathan Libario 310 pts
Mythical 5
Francis Faylon : 303 pts
Lambert Cunamay : 297 pts
Arlene Rabilas : 289 pts
Rowel Serrano : 288 pts
William Arellano : 281 pts
Womens Division
Highest pointer : Sharon Tamayo 270 pts
Mythical 5
Eve Montillana : 240 pts
Roselle Tan Manabat : 231 pts
Jen Monica : 227 pts
Mely : 218 pts
Rosalinda Ressureccion : 212 pts
Northern Luzon Organization officers
President : Ramoncito Cruz
Vice President : Helen Acetone
Secretary : Janette Cruz
Assistant Secretary : Erlinda Mangosong
Treasurer : Pilar Bacani
Auditor : Janet Ramos
Assistant Auditor : Herminio Malunao
ni Chet de Castro Valencia