Roma, Marso 12, 2015 – Nagsama-sama at matagumpay na ginunita ng ibat-ibang organisasyon ng mga Kababaihan at organisayon ng migrante sa Roma, Italya ang International Women’s Day noong ika-8 ng Marso 2015.
Nilahukan ito ng mga organisasyon mula sa Comitato Immigrati, Federation of Women in Rome, Italy, Federation of Women Council, Umangat-Migrante, ICHRP Rome, JVP Sri Lanka, Solidarity of peoples of Bolivia, Ecuador, Venezuela, Peru, Romania, African, at mga oganisasyon ng mga Italyano gaya ng Rifondazione at Che Fare.
Tinalakay sa nasabing okasyon ang Kasaysayang ng Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan at ang kasalukuyang kalagayan ng mga Kababaihan at ang pangangailangan ng mahigpit na pagkakaisa ng mga kababaihan para sama-samang ipaglaban ang kanilang mga lehitimong karapatan at panlipunang kagalingan.
Kasama din na tinalakay ang problema ng human traficking at problema ng migrasyon.
Nagsagawa din ng 1 billion dance para ipanawagan ang hustisya sa mga Kababaihang naging biktima ng karahasan.
Sa pagtatapos ay sama-samang inawit ang awiting International sa wikang italyano.
Ugnayan sa Himpapawid