Nora Schmitz: “Ang aming pananaliksik ay makakatulong upang bigyang boses ang mga imigrante. Mas madali ang komunikasyon kung ang kausap ay buhat sa sariling komunidad”
Nais mo bang maging interviewer? Ito ang pagkakataong buhat sa Ipsos na sa maraming taon ay nagsusumikap na higit na makilala ang mga imigrante. Ito ay paghahanap sa mga foreign collaborators sa Italya upang maisagawa ang mga interviews sa iba’t ibang komunidad.
Ang mga requirements ay ang sumusuond:
- mula 20 anyos pataas;
- diploma sa Senior High School,
- professionalism, reliability at project oriented,
- kakayahan ng pakikitungo sa iba’t-ibang lahi at social affinity,
- malawak na network ng mga contacts na mahalaga upang matukoy ang iba’t ibang uri ng tao na dapat ma-interview,
- immediate availability.
Mahalagang requirement ang kakayahang magsalita ng wikang ingles at ibang wika.
Sa pag-aaplay, magtungo sa http://www.ipsos.it/newpanel at sagutan ang mga pangunahing katanungan o ang tumawag sa numero verde 800.191.040 o sa tel number 02.361051.
Mahalaga rin ang mga sasagot sa katanungan kung kaya’t ang IPSOS ay naghahanap din ng mga imigrante na nais magbigay ng kanilang panahon upang sumagot at sila ay tatanggap ng mga freebies sa naging pagpapa-unlak.
Sa mga nais lumahok, i-fill up lamang ang http://www.ipsos.it/partecipo, isulat ang pangalan at tel number kung saan maaaring tawagan upang matanggap ang mga katanungan.
Nora Schmitz, Connect Ipsos Deputy Head. Kayo ay nagta-trabaho sa isa sa pinakamalaking research institution sa mundo. Kung research ang pag-uusapan, ano ang inyong masasabi ukol sa pananatili ng mga dayuhan sa Italya?
Taon na ring naming sinasabi na ang Italian society ay nagbabago. Kadalasang binabanggit ang multi-ethnic society, mas malaking presensya at higit na makabuluhan para sa bansa. Sa katunayan, ang mga dayuhan na naninirahan sa Italya ay umabot na sa 8% ng populasyon. Ngunit ang katotohanan ay bahagya pa lamang ang pagkakakilala sa mga dayuhang nasa Italya, ang kanilang uri ng pamumuhay sa ating bansa at ang kanilang mga kaugalian.
Ngunit para saan ang mga impormasyong ito?
Lahat ng impormasyon ay mahalaga, nakakatulong upang maunawaan at makilala ang mga dayuhan sa lahat ng angolo nito at ang mga ito ay makakatulong sa pagbibigay ng mga serbisyong kanilang kailangan. Tulad ng banking services o postal services at maging ang halaga ng tawag para sa mga naninirahan sa Italya ngunit galing sa ibang bansa. Sa Italya, tayo ay nananatiling malayo pa dito ngunit mayroong ilang positibong halimbawa, na maituturing na mahalaga. Tulad ng Auditel – ang kumpanya na nagbibigay ng mga datos ukol sa panonood ng telebisyon – na simula noong 2012, ay nagsusumikap na maibahagi din ang datos nila, isang proseso sa pakikipagtulungan ng Ipsos at siguradong isang mahalagang halimbawa.
Sa pamamagitan ng mga datos na ito, ay maaaring mag-desisyon ang mga TV producers halimbawa na magpasok ng mga channels at programa na nakalan sa iba’t ibang nationality. Ako ay mayroong idadagdag, na aking ipinapaliwanag sa mga gumagawa ng interviews – karamihan ay mga dayuhan – kung kanino namin ipinagkakatiwala ng ganitong uri ng mga interviews: ang mga datos ng research ay nakakatulong magbigay boses sa mga dayuhan, at mahalagang higit na maunawaan ang kanilang reyalidad.
Ngunit paano makakalap ang mga datos na ito?
Ang mga datos ay makakalap sa pamamagitan ng dalawang paraan. Sa pamamagitan ng mga interviews kung saan sasagot sa mga katanungan ukol sa kanilang nais at mga paborito. Ang lahat ng mga kasagutang makukuha ay susuriin statistically, at ito ay kumakatawan bilang datos ng research. Ang pagsusuri sa bilang ay naglalarawan sa kategoriye ng mga tao at hindi kailan man bilang indibidwal. Halimbawa, ang datos buhat sa mga kababaihan mula 25 hanggang 50 anyos na nago-grocery o ang uri ng produkto na kanilang ginagamit.
Ang mga panayam na ito ay maaaring sa pamamagitan ng telepono, o internet ngunit sa ilang kaso ay kailangang magpadala ng interviewer na magsasagawa ng interview sa kanilang mga bahay. Ang ganitong uri ng research ay mas mahirap dahil ang mga dayuhan ay karaniwang nag-aalala sa uri ng interview na baka maging isang problema para sa kanila. Na imposibile, dahil ang mga datos na kinukuha ay ‘sample’ lamang ng isang malaking bilang, libu-libong tao, at binabasa per category – tulad ng aking nabanggit kanina.
Bukod dito, ang Italya ay may mahigpit na batas sa Privacy, samakatwid sa identidad ng bawat interviewee – Italyano man o dayuhan – ay mahigpt na pino-ptotektahan ng batas.
Isa pang paraan ng pangangalap ng datos ay batay sa electronic detection: halimbawa. sa pamamagitan ng panonood ng tv ay nagi-install ng maliit na device malapit sa telebisyon ng pamilya at ang device na ito ay nakikita ang mga programang pinapanood ng pamilya. Kahit sa ganitong paraan, ay garantisado pa rin ang batas sa privacy at ang resulta ay hindi kaylanman batay sa isang indibidwal o pamilya.
Mayroon bang matatanggap bilang kapalit ng kanilang kolaborasyon?
Kadalasan ay mayroon, dipende sa uri ng survey. Halimbawa, kami ay nagbibigay ng load sa telepono ng halagang 10 euros para sa isang interview. Sa kaso ng electronic detection, ay maaaring pumili sa isang catalog, mas may value ang matatanggap, o 40 euros sa isang taon.
Samakatwid, ito ay isang uri ng propesyon para sa isang dayuhan sa Italya?
Oo, kami ay nagbibigay ng pagkakataong makapag-trabaho dahil ang ganitong uri ng mga research ay karaniwang ibinibigay lamang sa kanilang mga kababayan. Dahil dito ang hinahanap namin ay mga foreign interviewer: at sa buwang ito marami ang aming tinatanggap dahil napakaraming interviews ang dapat gawin para sa maraming research!
Paano naman maga-aplay bilang interviewer ng IPSOS?
Makipag-ugnayan lamang sa aming department, na naghahanda ng lahat ng mga practical research. Magpadala ng CV at pagkatapos ay may interview. Isang online course ang ibibigay pagkatapos upang malaman ang mga dapat gawin at babayaran batay sa dami ng bilang na magagawang interview. Marami kaming interviewer na ito ang kanilang propesyon at nabubuhay nila ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng trabahong ito, ang iba naman ang ginagawa itong part-time dahil nag-aaral o mayroong ibang trabaho tulad ng mga nanay na pagsapit ng partikular na oras ay may ibang uri ng trabaho sa sariling tahanan.