in

Isang grupo ng mga Pinoy, sangkot sa pambubugbog sa magnobyo sa Palermo

Isang grupo ng mga Pinoy ang nasasangkot sa pananakit sa magnobyo dalawang linggo na ang nakakaraan sa Via Emerico Amari, Palermo.

Ayon sa salaysay sa awtoridad ng mga biktima,  isang Pinoy umano ang unang humarang sa kanila at simulang nagsisigaw ng may paratang: “Siete state voi”.

Pinilit umanong huwag pansinin ng mga biktima ang paghahamon ng Pinoy ngunit dumating ang isa pang Pinoy at simulang nanakit sa mga biktima.

Ilang saglit pa ay umalis ang dalawa ngunit sa pagbalik umano ng mga ito ay nadagdagan pa ng apat na katao na syang tumakip habang ipinagpapatuloy ang pananakit sa mga biktima.

Nakatakas lang umano ang mag-nobyo dahil may tumulong sa kanila na syang tumawag naman sa mga awtoridad.

Ayon sa ulat kamakailan, makalipas ang 2 linggo ay  nahuli ang isa sa grupo. Umamin ito at sinabing napagkamalan lamang umano ang mga biktima.

Sa kasalukuyan ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon at pagkilala sa nalalabi pang mga suspek.

Pinaghihinalaan din na ang parehong grupo ang nanakit sa Piazza Struzo isang linggo bago ang nabanggit na pambubugbog.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Susog sa Decreti Sicurezza, haharapin bago magtapos ang taon

Filipino Community aktibong nakiisa sa paglilinis ng Giardino di Fortezza