Si Shiela Palmas ay isa walong kabataang Pinoy na pumasok na finalists sa Una Canzone per Sognare.
Asti, Disyembre 20, 2016 – Nanatiling memorable ang petsang Dec 11 para sa Filipino community, partikular para sa mga kabataang Pilipino sa naging partesipasyon sa unang-unang pagkakataon sa isang tanyag na singing competition sa North Italy.
Walong mga kabataang Pilipino ang lumahok sa ika-apat na edisyon ng “Una canzone per Sognare” at lahat ay pasok bilang finalists sa isang tanyag na singing competition sa Canelli, sa probinsya ng Asti.
Ang nabanggit na singing competition, itinatag ni Mario Mossuto, sa pakikipagtulungan ng Associazione Culturale “Four Season” sa pamamagitan ng presidente nito na si Giacomo Bartoluccio, ay tinutukan din sa Piemonte, Lombardia, Liguria at Valle D’Aosta.
“Ang singing competition ay nasa gitna sa pagitan ng 2 kategorya: regional individual singing completion at ng mas malaki at may pangalan na tulad ng Amici, The Voice o X factor – ayon kay presidente Bartoluccio – na layuning hanapin ang mga talents na maaaring pasikatin at iharap bilang promising young singers sa San Remo”.
Sa taong ito ay naglaban-labang ang apatnapung (40) contestants mula sa iba’t ibang kategoriya: Young (mula 7 hanggang 13 anyos), BIG (14 anyos hanggang 37) at OVER (mula 38 anyos pataas). Ang mga contestants na nagmula sa Piemonte region at ilang kalapit rehiyon ay sinuri ng mga huradong singers, vocal coaches, mga kilalang tao sa recording industry at producers.
At sa unang-unang pagkakataon ay kabilang ang mga Pilipino sa mga contestants; apat ang mga singers mula sa school of music sa Milan, ang “Have fun with music”: Jasmine (14 anyos), Alessandra (12 anyos), Anna Rabilas (12 anyos) at Ria (14 anyos).
At karagdagang Pinoy contestants ng Turin mula sa “l’Opera Rinata music school” ni Maestro Valter Carignano. Sila ay sina Shiela (14 anyos), Monica (14 anyos), Axel (13 anyos) at si Zac, ang pitong taong bata na dalawang taon ng nananalo ng scholarship sa Teatro Reggio.
Sa labinwalong contestants ng kategoriya BIG, si Shiela Palmas, tubong Lipa City Batangas, na umawit ng “Run to you” ni Whitney Houston ang nanalo at nag-uwi ng titolo. Matatandaang si Shiela ay unang nakilala sa “Ti lascio una canzone”, ng Rai Uno noong nakaraang taon.
Si Shiela ay nagsimulang kumanta sa edad na lima, at sa edad na pito ay nagsimulang pumasok sa Center For Pop Music School sa Lipa City at pagkatapos ay sa Ryan Cayabyab Music School sa Maynila. At sa kanyang pagkapanalo sa “Una canzone per sognare”, ang posibilidad naman ng pagkakaroon ng videoclip at maging ganap na recording artist.
Isang malaking tagumpay para sa mga kabataan sa North Italy nitong mga huling araw, kung saan, sa isa pang pagkakataon ang pagmamahal at suporta ng mga magulang, kasama ang dedikasyon ng mga instructors na humubog sa artistic side at talento ng komunidad. At sa ngayon ay hindi lamang sa loob ng komunidad bagkus sa mata na ng buong bansa upang muli pa, ay ipakita ang ating husay at talento at taas noong ipinagmamalaki ang sining at yaman ng kulturang Pilipino.
ulat at larawan ni: Stefano Romano
isinalin s atagalog ni: PGA
Basahin rin:
One Big Family, nagpakitang gilas sa Kid’s Got Talent
Mula colf sa Music teacher, ang talambuhay ni Laarni